Capítulo 15

45 3 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV

 Six pm na ako ng hapon nakauwi ngayon dahil tinapos pa kasi namin 'yung project namin para sa thesis namin. Mahirap sobra, pero mukhang hindi naman pabaya ang mga ka-grupo ko. Sinabi sa akin ni Manuel kanina na busy raw siya. Nagtatampo nga ako sa kaniya eh, these past few days parang naging cold siya bigla sa akin. Yung pakiramdam na bigla nalang siyang nag-iba, at hindi ko maintindihan kung bakit. Tawag nang tawag ako sa kaniya kanina pero hindi man lang niya 'yun sinagot, tapos ngayon nag text ako sa kaniya pero sobrang ikli naman ng ini-reply sa akin. Naiinis na ako! Naiintindihan ko naman na busy siyang tao at marami siyang ginagawa, pero sana naman bigyan niya ako kahit kaonting oras man lang, ayokong manglimos ng oras sa kaniya. Tinignan ko naman ulit ang huling mensahe na ipinadala ko sa kaniya.

To: Manuel

 Hi! Busy ka pa rin ba ngayon? Huwag na huwag kang magpapakapagod sa trabaho ha? Tawagan mo nalang ako mamaya kapag tapos ka na diyan. Hindi nalang ako dadaan sa office mo para makapag-focus ka. I love you!

Tang.ina! Nag I love you pa ako sa dulo nang mensahe ko pero dalawang letra lang ang ini-reply sa akin!

From: Manuel

 OK.

Sino ba naman ang hindi magtataka sa mensahe niya? Marahas na lamang akong napabuntong hininga at naghintay na lamang ako ng trycyle sa labas nang gate. Kinakabahan nga ako eh, baka anytime puntahan ako rito ni Dante. Hindi na siya nakapag text pang muli sa akin dahil binigyan ako ulit ni Manuel ng bagong sim card. Ayoko sanang masira ang pagkakaibigan naming dalawa pero siya naman kasi eh. Natatakot na ako sa mga ikinikilos niya, feeling ko? Kapag hindi ko kasama si Manuel sa tabi ko ay hindi ako ligtas. 

Habang nag-aabang ako ng masasakyan ay may isang sasakyan na biglang huminto sa harapan ko. Bigla akong kinabahan! Tatakbo na ba ako? Hindi naman ako nakakilos kaagad nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan. 

"Miss Dela Rosa, driver po ako ni Mr. Fernandez. Pinapasundo ka niya sa akin dahil busy raw po siya."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya iyon sa akin. Akala ko pa naman kung sino! Ang lakas pa naman ng kabog nang dibdib ko. Ayoko siyang tarayan dahil trabahante rin siya ni Manuel. At kahit na waitress pa lamang ako at boyfriend ko na ang may nang Malapascua ay kailangan ko pa rin siyang respetuhin. Hindi lang bilang isang employee, kundi bilang isang tao rin.

"Hindi na, pakisabi nalang sa kaniya magco-commute nalang ako."

Sabi ko sa kaniya, dapat nag-text nalang siya sa akin na hindi niya ako masusundo. Para naman hindi na ako umasa kahit konti. Maiintindihan ko naman siya eh. 

Lalakad na sana ako kaso bigla naman siyang nagsalita.

"Naku Ma'am! Bawal po, kailangan po kayong sumabay sa akin dahil mawawalan po ako ng trabaho kapag hindi po kita kasama."

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya. Gulat naman akong nilingon siya pabalik. Talaga bang binalaan pa siya ni Manuel?! 

Inis ko namang binuksan ang passenger's seat pero kaagad naman niya akong pinigilan. Ano na naman bang problema nito?! 

"Ma'am huwag!"

Nanlaki naman ang aking mga mata habang nakakunot ang noo ko para sa kaniya.

"Bakit na naman?!"

"Sa likod po kayo sumakay. Bawal po kayo rito sa passenger's seat."

Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kaniya pero mas pinili ko nalang ang manahimik. Padabog ko namang isinara ang pintuan ng sasakyan at nagtipa muna ako ng mensahe para kay Manuel.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon