WARNING: SPG ahead! Patnubay ng mga kaibigan ay dapat sundin! Charoot hahaha!Melanie Dela Rosa's POV
Nagising ako dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Kinapa ko naman ito at kahit nanlalabo pa ang aking paningin ay binuksan ko pa rin ito.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kong si Manuel ang tumatawag. Masyado pang maaga ah, ala-sais pa. Kaagad ko naman itong sinagot.
"Hello?" Pagbati ko sa kaniya.
Sa totoo lang kasi, inaantok pa ako eh. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil may outing raw na magaganap para lang sa mga professor's, syempre masaya ako para doon dahil makakapagpahinga ako. Alas-diez ng gabi na kasi ako nakauwi rito sa boarding house namin eh. Ang dami kasing customers at mga turista na kumakain at pabalik-pabalik sa restaurant kaya talagang kakayod ako.
Tungkol naman doon sa ina ni Manuel? Mabuti nalang at hindi siya nagpaparamdam sa akin ngayon. Ang huling pag-uusap namin ay 'yung binuhusan niya ako ng juice sa aking mukha. Sana lang talaga hindi ito makaabot kay Manuel, dahil paniguradong gulo lang ang mararating nito.
"Good morning baby." Bigla namang lumambot ang puso ko at bigla akong napangiti nang marinig ko ang boses niya. Miss na miss ko na siya, kailan ba kasi siya uuwi? Gustong gusto ko na siyang yakapin at halikan.
"Good morning baby." Ganti ko sa kaniya at narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Napatawa na rin ako.
"Sorry, na-storbo ko ba ang pagtulog mo?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.
Umupo nalang muna ako sa kama at inayos ko nalang ang aking higaan.
"Hindi, ikaw kasi ang alarm clock ko eh. Ginigising mo ako tuwing alas-saiz ng umaga kaya hindi ako nale-late sa school."
Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Of course baby."
"Atsaka? Pwede bang magtanong Manuel?"
Tatanongin ko lang sana siya kung kailan ang balik niya rito sa Malapascua. Para kasing ang bagal kumilos ng oras. Magda-dalawang linggo na siya doon sa Maynila. Miss na miss ko na si Manuel Fernandez!
"What is it baby?"
"Hmmm,.. kailan ka ba uuwi dito?"
Napakagat naman ako ng aking labi. Gusto kong mag-focus siya sa negosyo nila dahil isa rin siya sa mga namamahala ng kanilang kompanya pero... sa tuwing lumalabas ako sa pintuan ng bahay, walang Manuel Fernandez ang sumusundo sa akin. Miss na miss ko lang talaga siya at kung magtatagal pa siya doon? Baka mapilitan akong pumunta ng Maynila at bisitahin ko siya. Wala na akong pakialam kung magalit ang Mommy niya o maubos man ang pera ko, bibisitahin ko pa rin siya. Dahil miss na miss ko na siya at mahal na mahal ko siya.
"I don't know Melanie..."
Bigla namang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Naiintindihan ko naman siya eh. Alam ko naman na mas uunahin talaga niya ang negosyo nila.
"O-okay." Maikli kong sagot sa kaniya. Sana hindi niya mahalata na umiiyak ako ngayon.
"Melanie, hindi ko alam kung kailan ako makakauwi diyan. Parang... nawalan na ako ng ganang umuwi pa diyan."
Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bigla naman akong napatayo, ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?
"Anong... ibig mong sabihin Manuel?" Napakagat naman ako sa aking pang-ibabang labi.
"I'm sorry Melanie, hindi na ako uuwi diyan. Na-realized kong... nandito talaga ang totoo kong buhay. Dito talaga ako nararapat at hindi diyan. I'm sorry, I can't take this anymore."
![](https://img.wattpad.com/cover/243481872-288-k301364.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez is a smart and trying hard businessman. Kaya nang ibinigay ng kaniyang ama ang posisyon bilang Chief Executive Officer sa kaniyang kapatid, ay gumuho ang kaniyang mundo. Constantine is his greatest enemy. Sabi nga niya, walang alam...