Manuel Fernandez POV
Napakunot naman ang aking noo habang nakatingin sa aking laptop. Kailan ko ba matatapos ang problema ko dito sa kompanya? I really really miss my Melanie!
Gustong gusto ko na siyang halikan at yakapin, 'yung mga tinging nakakaakit. Miss na miss ko na 'yun.
Habang nagtitipa ako sa aking laptop ay napatingin naman ako sa pintuan ng aking opisina nang makita ko kung sino ang pumasok. Biglang umahon ang galit na nararamdaman ko ngayon at biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko si Georgia na may dalang paper bag.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi man lang siya natinag sa ginawa ko.
"What are you doing here Georgia? Diba nasa Malapascua ka? Don't tell me? Sinusundan mo ako rito sa Manila?"
Malamig kong sabi sa kaniya. Nginitian naman niya ako at inilapag naman niya ang paper bag na dala-dala niya.
"Bakit naman hindi? Bawal ba? Alam ko naman na matatagalan ka rito sa Manila, kaya sinundan nalang kita. Alam mo namang miss na miss na kita Manu eh."
"Stop calling me Manu! Anong karapatan mong tawagin mo ako sa nickname ko ha?! Mga importanteng tao lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganiyan."
Galit na galit kong sabi sa kaniya. Umupo naman siya sa table ng office ko at inilapit naman niya ang pagmumukha niya sa akin.
"Bakit? Naging parte rin naman ako ng buhay mo hindi ba? Alalang-alala ko pa nga noon kung gaano ka-kabaliw sa akin eh. Kung gaano ka kagaling pagdating sa kama."
"SHUT THE FUCK UP!!! GEORGIA!!"
Napatayo naman ako dahil sa mga sinabi niya. Anog karapatan niyang hungkatin pa ang nakaraan sa amin?!
"Why? Wala naman dito ang girlfriend mo diba? Sino nga ba 'yun? Ahh! Si Melanie, 'yung isang simpleng waitress sa resto niyo hindi ba?"
Manuel, pigilan mo ang sarili mong masaktan ang babaeng 'yan.
"Get out of my sight Georgia."
Pagbabanta ko sa kaniya, baka kasi hindi na ako makapagpigil eh. Idamay na niya ang lahat, huwag lang ang babaeng mahal ko. Not my Melanie Dela Rosa.
"Tell me Manuel, ano ba ang nagustuhan mo sa babaeng 'yun? Yes, sabihin na natin na maganda siya physically. Pero? She's not even mayaman! Wala nga sigurong skin ca-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad kong hinablot ang kaliwa niyang braso habang nanggigigil akong nakatingin sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa aking ginawa.
"Ano ba?! Manu? Nasasaktan ako!"
"Talagang masasaktan ka kung hindi titigil 'yang bunganga mo! Sa susunod na idadamay mo pa si Melanie? Hindi lang ito ang maaabutan mo sa akin! Nagustuhan ko siya dahil naging totoo siya sa sarili niya. At higit sa lahat? Hindi siya katulad mo na isang malandi! Now, GET. OUT. OF. MY. OFFICE."
Nandidilim na ang paningin ko at marahas ko namang binitawan ang braso niya at itinapon ko rin sa kaniyang harapan ang paper bag na dala niya.
"Huwag ka ng babalik dito kahit kailan Georgia. Isama mo na rin 'yang basura mo."
Padabog naman siyang umalis sa aking opisina. Napasabunot naman ako ng aking buhok. Damn it! Kailangan ko nang tapusin ito para makabalik na ako sa Cebu! Hindi pa naman nagsasabi si Melanie sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya. Nararamdaman ko kasi na nagsisinungaling siya sa akin eh.
Sa oras na malaman ko na sinasaktan ni Mama si Melanie? Baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong kalabanin ang sarili kong ina.
Po-protektahan ko si Melanie, kahit na ang buong Malapascua pa ang magiging kalaban ko, po-protektahan ko siya.
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...