Capítulo 21

29 3 0
                                    

Amelia Dela Rosa's POV

Dinala ako ni Mr. Benavente sa mansion nila. Kinakabahan nga ako ng sobra eh. Kaagad naman kaming sinalubong ng isang magandang babae, kahit na matanda na siya ay pumapaibabaw pa rin sa kaniya ang kagandahan niya.

"Welcome home apo! Welcome home anak." Pagbabati niya sa amin bago dinala ng mga katulong ang mga gamit namin sa itaas.

Kaagad naman niyang niyakap si Mr. Benavente at napabaling naman ang paningin niya sa akin. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita niya ako at mukhang iiyak pa siya ng dahil sa tuwa.

Napalunok naman ako, kinakabahan talaga ako sa pinasok namin ni Mama. Paano nalang kung mabuking ako? Mabuking kami! Na hindi talaga ako ang totoong anak ni Mr. Benavente, kundi si Melanie! Si Melanie Dela Rosa ang totoong anak ni Mr. Benavente at ni Auntie Rebecca.

Kaagad naman niya akong niyakap.

"Ikaw na ba si Melanie hija?" 

Biglang nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Para akong hihimatayin sa sinabi niya.

"Po? Amelia po ang pa-pangalan ko." Pagtatama ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin at niyakap akong muli.

"I'm so sorry hija, nabigla lang kasi ako. Namiss lang talaga kita ng sobra. Finally! Nandito ka na! Kamusta naman si Rebecca? Maiintindihan kita apo kung may galit ka sa akin, dahil ako ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mga magulang mo."

Kaagad namang sumingit si Mr. Benavente sa usapan naming dalawa.

"Mama, huwag niyo na pong sabihin 'yan ulit. Past is in tha past, ang mabuti pa? Magpahinga ka nalang muna anak. Nasa itaas ang kwarto mo." 

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Mr. Benavente at dumiretso kaagad ako sa magiging kwarto ko.

Inilibot ko naman ang aking paningin sa kabuuan ng aking kwarto. Ang ganda, sobrang ganda. Yung malambot na kama na kulay ginto, 'yung malaking chandelier sa dulo ng kama. May malaking salamin sa gilid na nakadikit sa pader at ang maleta ko.

Inaamin ko, kinabahan talaga ako ng sobra nang sinabi ng ina ni Mr. Benavente na ako na ba daw si Melanie. Ang tanong? Paano naman kaya niya nalaman ang pangalan ni Melanie?

My god! Hindi pa ako nag-uumpisa pero parang mabubuking na ata ako! Kailangan itong malaman ni Mama. 

Kaagad kong tinawagan si Mama at ni-lock ko muna ang pintuan ng aking kwarto.

(On the phone)

"Oh? Bakit napatawag ka? Nakarating na ba kayo sa Maynila anak? Ano? Kamusta?"

Napabuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot.

"Okay lang, atsaka maganda naman 'yung bahay nila Mr. Benavente." 

Sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Oh diba? Sinabi ko sa'yo na gaganda ang buhay mo dyan. Atsaka tigilan mo na nga yang pagtawag sa kaniya ng Mr. Benavente. Magiging ama mo na 'yan."

Umikot naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.

"He's not my father Ma, si Papa Arthur lang ang nag-iisa kong ama." 

Malamig kong sabi sa kaniya.

"Oo nga, siya ang tunay mong ama pero napaka-iresponsable naman niya pagdating sa'yo! Baka nakakalimutan mo, iniwan niya tayong dalawa Amelia!"

Hindi naman sana kami iiwan ni Papa kung hindi lang siya palageng nagsusugal noon. Pati ako ay napapabayaan na niya, pero ano ba ang magagawa ko? She's my mom. She's still my mom.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon