Capítulo 37

42 3 0
                                    

Novia

MELANIE DELA ROSA'S POV

Sabi sa akin ni Garreth, pupunta raw kami ng mga seven pm sa yacht na sinasabi niya sa akin.

So here I am, nagsusukat ng mga magagandang damit. Mabuti nalang at mayroon pa akong mga magagandang damit na naiwan rito sa bahay. Hindi na ako mahihirapan pa, ayaw ko na rin mag-shopping dahil gastos lamang 'yun.

After so many years of pamimili ng damit, nakapili na rin ako ng aking maisusuot. A red silky dress with little diamonds as a designs. Hinanda ko na rin ang aking make-ups. Light make up will do, hindi rin naman ako mahilig mag make-up ng todo-todo.

It's already four pm in the afternoon. Pagkatapos kong maghanda ng aking maisusuot para mamaya ay bumaba muna ako ng kwarto para makapag-merienda. Nakita ko naman si Tita Amore na may kausap sa labas ng bahay. Kumunot naman ang aking noo at unti-unti naman akong lumapit sa direksyon nila Tita Amore. Nakatalikod kasi ang lalakeng kausap ni Tita, kaya hindi ko ito makita.

"Okay, you can start tomorrow. What is your name again?"

Rinig kong pagtatanong ni Tita Amore sa lalaki. Dahil na rin siguro sa naku-curious ako, lumapit na ako nang tuluyan sa kanila.

"Tita, who is he?" 

Pagtatanong ko kay Tita Amore at sabay naman silang napalingon sa akin.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang lalaking kausap ni Tita Amore ngayon. Parang huminto ang aking mundo at hindi ako makakilos.

Anong ginagawa niya rito?!

Nagulat rin siya nang makita ako at tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Nabalik lang ako sa realidad nang lumapit si Tita Amore sa akin.

"Hija, he's our new hardinero. Hijo, what is your name again?"

Awang ang aking bibig habang pinagmamasdan ko lamang silang dalawa. Matagal naman siyang nakasagot sa tanong ni Tita Amore dahil na rin sa pagkakagulat nang makita niya ako.

"Dante, po."

Nilingon naman ako ni Tita Amore habang may ngiti pa rin sa kaniyang mga labi.

"Pumasok muna tayo sa loob? Elina? Sabihan mo nga si Hazel ma maghanda ng merienda. Makikipag-kwentuhan muna tayo sa ating bagong hardinero."

Masayang sabi ni Tita Amore habang pinipilit niya akong umalis sa kanilang harapan.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating rito sa kusina habang naghahanda ng merienda. Nang dahil sa gulat at takot na nararamdaman ko ngayon, hindi ko na naisip na tawagin si Hazel at gawan sila ng merienda. Hindi ako takot na malaman ni Tita Amore ang lahat tungkol sa akin, pero ayoko rin naman na pangunahan ako ng ibang tao. Alam kong hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni Dante pero hindi rin naman ako mapapanatag kung nandiyan siya sa aming paligid.

Bumuntong hininga mgna ako bago ko dinala ang merienda na ginawa ko para sa kanila. Kaagad namang nailipat ni Dante ang kaniyang paningin sa akin. Sa limang taon na nagdaan at hindi siya nakita, maraming pagbabago ang nangyari sa pisikal niyang kaanyuan.

Mas lalo siyang tumangkad, mas lalong naging mature ang katawan niya. Pero ang katangian niya bilang Dante noon na nakilala ko ay paniguradong hindi 'yun nagbago. I know Dante very well, dahil naging suitor ko rin siya noon ng ilang buwan.

Dahan-dahan ko namang inilapag ang merienda at kaagad naman akong tumabi kay Tita Amore. Hindi naman inalis ni Dante ang paningin niya sa akin, nananatili pa rin itong nakatitig sa akin.

"Saan sa Cebu? Hijo?"

"Sa Malapascua po," aniya.

"Really? I've heard na maganda raw ang mga resorts and beaches doon. Plano ko nga sana na mag-bakasyon kami roon, together with my son. Garreth and Elina."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon