Capítulo 29

27 2 0
                                    

MELANIE DELA ROSA'S POV

Unti-unting dumilat ang aking mga mata, pilit inaalala ang mga nangyari sa akin. Para akong patay na biglang nabuhay, akala ko iyon na ang aking katapusan. Akala ko, doon na magwawakas ang aking araw, na hindi ko na masisilayan ang pagsikat ng araw. Ngunit hindi, nagkamali ako. 

Hindi lahat ng mga akala ko ay mangyayari, katulad ngayon. Akala ko mananatili nalang ako sa dilim ng aking kahapon, pero hindi. May liwanag na dumating at ang liwanag na iyon ay ang nagdala sa akin sa kaonting pag-asa, sa pag-asang aking naramdaman ngayon.

Inilibot ko naman ang aking paningin, maputing kurtina ang sumalubong sa aking mga mata, may round table sa gilid at ang mga aparatus na nasa aking tabi ang siyang silbing bumubuhay sa aking katawan. Ang karayom na dumadaloy sa aking ugat para magdala at magsuporta sa akin ng gamot ang siyang nagpapalakas sa akin. Mukhang nasa isang pribadong kwarto ako, sa isang pribadong ospital.

Nanghihina pa rin ang aking katawan, naramdaman ko nalang ang kaonting pagkirot ng aking gilid. Paniguradong natatakpan na ang aking sugat doon. 

Napalingon na lamang ako sa aking gilid nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakita ko ang isang babaeng naka-uniporme na sa tingin ko'y magka-edad lamang kami. Kulay asul ang kaniyang damit, parang katulong.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata ng makita niya akong gising na. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin, ngayon ko lang rin napansin na may dala siyang paper bag na sa tingin ko'y pagkain ang laman.

"Mabuti naman at gising ka na Miss," nag-aalala niyang sabi sa akin.

"O-oo," tipid kong sagot sa kaniya.

Sa mga nangyari sa akin, hindi ko na alam kung... ano ba ang dapat kong gawin, pati ang aking pagsagot ay hindi ko na magawa. Ilang oras na kaya akon nakalatay sa kamang ito? Paniguradong mas lalaki lang ang babayaran nila kung magtatagal pa ako rito. Sasabihan ko nalang sa kanila na i-discharge na lang ako, ayokong magka-utang na loob sa mga taong hindi ko naman kilala.

"I-ilang oras na akong nandito?" 

Narinig ko naman ang kaniyang pagbuntong hininga bago niya ako sinagot.

"Mag-iisang linggo ka na rito." 

Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Gusto ko ng umalis dito! Ayoko ng magtagal pa rito! Pinipilit ko naman ang aking sarili na makabangon pero mas lalo lamang na kumukurot ang aking sugat sa tiyan. 

"Miss, huwag ka munang gumalaw." 

Natigilan lang ako nang bigla na namang bumukas ang pintuan at pumasok sa aming silid ang isang babae na sa tingin ko'y nasa kwarenta-anyos pa. Maganda ito at maputi, halatang mayaman. Ang isang lalake naman ay naka-polo na pang hanggang siko at may salamin sa mukha, mukhang magka-edad lamang sila ni Manuel. Ang isa naman ay ang doktor na lalake.

Biglang kumirot ang aking puso ng maalala ko ang lalakeng iniwan ko, ang lalaking pinakamamahal ko. Kamusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako ngayon? Sabi ng babae sa akin, mahigit isang linggo na ako rito, ganoon ka-haba ang naging tulog ko? 

"Oh my god! Thank God you're awake hija!" 

Isang matinis na boses ang bumalot sa loob ng silid. Lumapit naman ang doktor sa akin at in-examine ako. 

"Doc? Is she okay now?" Nag-aalalang tanong ng isang mayamang babae.

Unti-unti namang tumango ang doktor sa naging tanong niya. 

"Yes, hindi naman malalim ang kaniyang sugat. Kailangan niya lang uminom ng gamot, 'yung mga nireseta ko para sa kaniya. You should take that medicine hija, atsaka pwede na rin siyang makauwi bukas."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon