Chapter 6

14 3 0
                                    

E N J O Y  R E A D I N G , V E L L A S!!

Chapter 6 : Mascot

Sky's Point of View

Kinabukasan, wala naman masyadong ginawa dahil madali lang yung mga activities.

Kaso...

"Hala! Sky! Ang cute mo!"

"LT hahahahahah! Kaya mo 'yan Sky!"

"Ang cute nung mascot! Pwede pa-hug?!"

Nagtawanan pa sila ng malakas!

Madali nga yung mga activities, pero pinag-mascot ako nung teddy bear as punishment dahil hindi ko nagawa yung number one nung activity sa ENGLISH!

Eh kasi naman...

[ FLASHBACK ]

"Miss pa'no po ito?"

Napanguso ako ng taliman ako ng tingin ni Miss English.

"Sky, you know the rules. No asking questions while answering. I already said everything so that there are no further questions", seryosong saad ni Miss kaya napatango na lamang ako at bumalik sa aking upuan.

Pagkaupo ko, sinagutan ko na yung hindi ko masagutan. Yung number 1!

1. Paris is known for their famous Eiffel Tower. It also became a tourist spot, visited by many. Let's say, you're poor but your teacher gave you a project to get a picture with it but you're in Philippines. What would you do?

Madali lang diba? Pero ba't 'di ko masagutan!?

Inis naman akong tumingin sa paligid at yung iba ay nagpapasahan na.

Lambangan na 'to!

Sinagutan ko na yung one at ipinasa na. Nakangiti pa ako niyan! Ngiting tagumpay pa!

"Miss Davis, what kind of answer is this?"

Paktay!

Unti-unti akong napalingon sa unahan. Nakataas ang kilay ni Miss at nakatingin pa sa papel ko. Tinignan niya ako.

"Your answer is stupidly wrong!"

"Po? Eh wala nga po akong masagot dyan", nakangusong saad ko.

Umupo na ako at pinanuod si Miss na hindi maipaliwanag kung anong ekspresyon ang ipapakita niya.

"Ma'am! Anong nakasulat?"

"Anong isinagot, Miss?"

"Eh? Matalino kaya si Sky!"

Tinignan naman ni Miss yung mga nagsalita at tumingin sa papel at binasa. Agad ko namang itinago ang mukha ko gamit ang libro.

"Her answer is, 'Madali lang namang kumuha ng picture sa Paris. Search kayo sa google tapos sabihin niyo nalang kay Miss na ikaw 'yon hehe! Bungisngis! Andito na kami nangungulet!' Ayan", panggagaya pa ni Miss sa boses ko.

Nagtawanan naman silang lahat!

Nakakahiya!!

"Sky, your answer doesn't make sense. Even so, I told everyone to write their answer using English Language yet you answer in tagalog. Want a mascot? Deina!" Baling nito kay Deina na nagpipigil ng tawa.

"Yes, Miss?"

"Get the bear mascot at the sports facility", utos ni Miss at sumaludo pa si Deina at tumakbo paalis.

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now