Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 29 : Play Fair.
Metis' Point of View
Habang tumatakbo pataas ng tower, hindi ko maintindihan ang kabang dinulot ng planong iyon. Lalo na at si Master Montgomery or kilala sa pangalang Master Mery na nasa pinakatuktok ang lounge. Siya ang namamahala sa Lycania Grounds, the largest sacred place of werewolves.
Lycans are a half wolf and half vampire, and only the queen and Master Mery are the lycans. We, Lycania Guards, are the wolves.
We haven't met the princess and the prince but we have met the queen.
Pero umalis siya, leaving Master Mery to rule Lycania Grounds alone.
And every clan has two highest ranks. Meaning, mayroon ding two highest ranks ang Lycania pero hindi na namin nakita pa dahil nagrebelde raw.
Pagkarating namin sa pinakatuktok, ay nasalubong namin si Master na as usual, nakasuot ng itim na suit, mula sa necktie, hanggang sa sapatos, itim.
Itinungo namin ang ulo namin as respect.
"What are you doing here?" tanong ni Master at nakaseryoso ang aura kaya nakaramdam ako ng hiya.
Tumingin ako sa baba mula sa malaking bintana ng tower mula dito sa taas at nakita ang pagpasok ng kasamahan nina Sky.
Damn it!! We're tricked!
"Shit!" bulong ko at nag-bow ng mabilisan kay Master at tumakbo pababa.
-
Sky's Point of View
Tumakbo kami na halos madapa kami, at tama nga ako, nadapa si Uneace.
"Ano ba 'yan! Ang lampa mo!", bulyaw ni Deina at bumalik para alalayan si Uneace at piniggy back ride ito.
"Makalampa ka naman!", wika ni Uneace habang nasa likod ni Deina.
Malapit na kami sa Entrance nang may sumigaw sa likod namin.
"Stop!!!" Lumingon kami at nakita ang Lycania Camp na lumalapit sa amin.
Ang rami nila...
Nakaramdam ako ng takot ng bigla silang maging lobo sa mismong harapan naming lahat.
Gano'n na lamang ang aking gulat nang dumating sa pangyayari sina Zayne at Ginger kasabay ng pagchange form nila mula sa human state hanggang sa pagiging lobo na naging dahilan para mawala ang takot ko at mapaltan ng excitement!
Ito yung gusto kong sakyan! Kyah!!!
Black si Zayne tas white si Ginger. Ang galing! Naglakad sila sa harapan namin bilang shield namin. Kapansin pansin din ang amber na kulay ng mata nila nang maging lobo ang magkapatid.
Ahh! So kapag tao, gray ang kulay, kapag lobo, amber ang kulay. Ah okay!
At doon pumasok sa pangyayari si Xavion. Lumapit ito sa kanan ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang hawakan nito ang kamay ko.
"I'm here", bulong nito kaya itinaas ko ng bahagya ang ulo ko upang maaninaw siya at ngiti ang naisagot ko nang makita siyang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa harap at nanlaki ang mata ko nang may maglakad na lalaking nasa mid 40's ata, gwapo din, maputi, at nakasuot ng itim.
Naglakad ito papunta sa harapan ng mga lobo at tumingin sa amin.
Iba yung kulay ng mata niya.
Gray and red, making him more attractive at nagsalubong ang kilay ko nang bigla itong tumingin sa akin dahilan para magtaasan ang aking balahibo at mapahigpit ang hawak ko sa kamay ni Amo.