Chapter 28

1 0 0
                                    

Enjoy the chapter!

-

Ginger's Point of View

Kasalukuyan kaming nasa isang malaking sanga ng isa sa pinakamalaking puno sa palibot ng Lycania Grounds.

-,-

Sa sobrang taas nito ay tanaw na tanaw ang kabuuan ng Lycania mula rito sa taas. Napasulyap naman ako kay Zoe na nakadapa sa sanga at nakatingin sa binoculars habang yung isang kamay ay nadukot sa malapit na junk food na nakabukas malapit dito.

Tumingin naman ako kung nasaan sina Xavion at Zayne na naghahanda sa signal nina Sky at Keithia. Sila'y malapit sa entrance.

[ Mint, Yellow, are you there? Do you copy? ] saad ni Blue mula sa... Anong ngang tawag dito? Basta.

"Yes, we copy. Are you ready to go in? Over", tanong ni Zoe while ako nabobored na. Siya lang kasi yung nag-eenjoy sa pags-spy. Gusto kong sumabak sa mismong labanan!

Kaso huwag na, baka masira ang plano ni Sky.

[ Yes. Tell me kapag may paparating. Over. ] si Keithia.

"Alrighty. In you go. Over", wika ni Zoe at ngumiti.

Inalis muna ni Zoe ang mata sa binoculars at napatingin sa akin.

"Are you okay?", tanong nito.

Tumango naman ako at ngumiti. "Para kasing gusto kong sumama roon", saad ko sabay turo kina Sky na papasok na sa malaking gate ng Lycania.

"Well, you can go follow Deina and Cate, they need some MC to protect them", saad nito kasabay ng pagsubo nito sa cheese curls.

Hmm, oo nga!

"Oo nga 'no", nakangiting bigkas ko. Hinawakan ko ang balikat ni Zoe at, "Thanks, Zoe!", nakangiting saad ko at tumalon na pababa ng malaking punong iyon.

I transformed into a wolf and run my way towards the exit way of the forest.

-

Zoe's Point of View

Nakanguso akong tumingin kay Ginger na nag-change form mula sa pagiging tao hanggang sa pagiging lobo at tumakbo na palayo.

Grabe!

Tumingin ako sa binoculars habang nakalagay ang kamay ko sa nakabukas na cheese curls nakatabi ng aming Realistic walkie talkie TRC-206.

Magkaiba ang walkie talkie, sa earpiece at doon sa malaking radio 15-watts sa kwarto ni Sky. Ewan ko sa babaeng iyon at napakaraming gano'n.

Tumingin ako sa M.A.A.  [ main assembly area ] raw ng Lycania at nakitang nakagapos doon si Uneace sa isang upuan at walang malay. Napapalibutan pa iyon ng mga lalaki pero walang nagtatangkas gumalaw sa kaniya dahil may babae ring naroon. 'Di ko mamukhaan kung sino dahil nakatalikod.

Pinanuod ko ang pagpasok nina Sky at Keith sa entrance. Nakasuot pa ang dalawa ng mask na itim na may butas sa may mata.

Nang may makita akong dalawang lalaking papunta sa gawi nina Keithia ay naghanap ako ng pwede nilang mapasukan at nakakita ako ng isang pasilyong walang tao.

Or hayop. Tss.

Kinuha ko ang walkie talkie at in-on iyon. "Sky, may paparating sa gawi niyo ngayon, take the pasilyo on your right, and you make hintay to them to pass, then you're good to punta na", wika ko.

Tumawa pa si Sky sa kabilang linya. [ Grabe! Akala ko hindi ka na babalik sa pagiging conyo mo ah, by the way, thanks. Over ] wika nito at hinila si Keithia papunta sa isang pasilyo sa kanan nito.

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now