Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 35 : Sudden Confession
August' Point of View
Takte! Paano ba ako makakampante rito eh ang babaho ng mga kasama ko? Kung si Zayne lang naman ang kasama ko ay ayos pa dahil sanay na ako sa amoy nito pero yung madagdagan pa ng tatlong stinky punks ay feeling ko mababawasan ang kagwapuhan ko sa lalong madaling panahon.
"Aish! Umisod ka nga", asik ko habang naglalakad papasok ng Daintree Forest. Ang laki ng daan tapos nagsisiksikan kami, ang sarap itulak eh.
Grabe lang kasi walang nagbago dito sa Daintree Forest. The last time I was here, maraming puno tapos ngayon may puno pa rin.
Naiinis ako kay Calli! Mas gwapo pa naman ako roon.
"Zayne", tawag ko kay Zayne na nasa tabi ni Herse at kasabay na naglalakad. Hindi naman ito sumagot kaya sumimangot ako at hinila ito papunta sa tabi ko.
"Bakit ba?" inis na saad nito.
"Hindi ako sanay na katabi iyang mga iyan", wika ko kasabay ng pagturo sa kanilang tatlo gamit ang nguso.
Tumingin naman ito sa akin at nilingon yung tatlo na laking gulat ko ay nakatingin na sa gawi namin.
"Anong tinitingin niyo diyan?" inis na tanong ko at tinaasan sila ng kilay.
Attitude ako 'no!
Siniko naman ako ni Zayne dahilan para taliman ko ito ng tingin. "Bakit ka ba naniniko?" inis na saad ko.
"Ang lakas kaya ng boses mo. Sa tingin mo hindi sila titingin kung mahina ka magsalita? Para kang si Uneace at Deina, parehas kayong aso, tahol ng tahol", inis na paliwanag nito kaya iniwas ko ang tingin ko.
Mas malakas kaya yung kay Uneace, mahina naman yung akin ah.
"Magka-ano ano kayo?"
Napatingin naman ako kay Herse na nagsalita. "It's none of your business", seryosong sabi ko rito.
"August", tinaliman pa ako ni Zayne nang tingin.
"What did I do?", inis na tanong ko. Wala naman akong ginagawang masama ah. Sila naman yung nanguna.
Bumuntong hininga si Zayne at nginitian si Herse nang humarap ito dito.
"We're brothers", wika niya.
"Really?" si Metis.
"Yeah. We're stepbrothers", sabi ni Zayne rito.
Tumango tango naman si Herse at natigilan sa paglalakad na ikinanuot ko ng noo.
"Can you hear that?" tanong nito.
Nagsalubong kilay ko at tumahimik at serysong pinakinggan ang paligid. Bukod sa mga sound ng crickets at hangin ay wala na akong mapakinggan.
"Boo!"
"Ahh!" natutop ko ang bibig ko sa biglang pagtili nang bigla itong gumanon.
Sinamaan ko ito ng tingin at binulyawan ito.
"Ang ingay mo! Kapag may nakarinig sa iyo, tatakbuhan ko kayo", inis na saad ko at hindi na ito pinansin.
Ang panget ng trip niya sa totoo lang. Hindi ba siya aware na malakas ang pakiramdam ng mga bampira?
"Hindi ka rin ba aware na nababasa namin iyang sinasabi mo sa isip mo tungkol sa amin?"
Napatingin naman ako kay Arche na nagsalita kasabay ng pagtingin sa akin ng mga kasamahan niya.