E N J O Y R E A D I N G, V E L L A S ! ! !
Chapter 9 : You're cool...
Sky's Point of View
Si Amo yung nakanta?
Tinignan ko ang kabuuan niya. Naka-t-shirt na nakatuck-in pa, tapos naka-ripped-jeans tapos nagsalubong ang kilay ko nang makita ang suot nitong sapatos. Nakanguso pa akong tumingin sa sapatos ko.
Parehas pala kaming naka-puma. Mangagaya, copy-paste!
[ a/n : copycat kasi yon, pisti ka! ]
Huwag kang extra, Author!
Nang maramdaman niya ang presensiya ko dito sa pinto ay tumigil ito sa pagstrum ng gitara at tumingin sa akin.
"How long have you been there?" saad nito kasabay ng pagkunot ng noo nito.
"A few minutes, I guess. Can I join you?" tanong ko at tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago tumango. Napangiti din ako at tumalikod ngunit natigilan lamang nang makita ang Chingu de Kwatro na paparating at hawak-hawak ang mga pagkain sinabi na dadalhin dito.
Bumuntong hininga ako at bumalik sa private room kung nasaan si Amo. "Uhm, my friends brought foods, gutom ka na?", tanong ko dito.
"Medyo", tipid nitong saad. Tumango tango ako. "Tara na", nakangiting sambit ko at hinintay itong tumayo roon. Inilagay nito ulit sa pagkaka-display at sumabay pa sa akin sa paglabas.
"Ayan na ang magjowa, nakakabitter mga tol", asar na usal ni Deina kaya natawa ako at kumuha ng dalawang burger at dalawang C2 sa supot nila. Inabot ko naman kay Amo yung isa at kumuha ng mahabang upuan upang mapag-share-an namin nito.
Pagkaupo namin ay napalingon ako kay Amo nang kulbitin ako nito.
"Hmm?"
"How are you? Is the shadow still following you?" sunod-sunod na tanong nito kasabay ng pagkagat nito sa burger. Nakita ko pa ang paglaki ng mata nito habang nanguya, at nanlalaking matang tumingin sa burger bago sa akin.
"That's a burger", natatawang saad ko dahil sa inakto niya ay alam ko na ang itatanong niya.
"Bruger?", tanong nito kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Burger. B-u-r-g-e-r! Burger!"
"Bruger.."
Sumimangot ako at kumagat sa burger ko bago nagpatuloy sa pagtuturo sa kaniya. Hirap niyang makagets.
Bumaling ako kay Agosto at Todoroki na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain. "Oi, Buwan!", tawag ko kay Agosto. Lumingon ito sa akin habang nakataas ang kilay.
"Alam mo kung anong tawag dito?", tanong ko at itinuro ang hawak kong burger. Ngumuso ito at tumingin ng mariin sa burger ko at ngumiti bago tumingin sa akin.
"Beef with blood bread!!!!"
Lalo akong sumimangot at napatawa nalang nang mapakinggan ang tawa ni Zayne, Cate at Deina.
"WAHAHAHAHAHAHA!", si Zayne.
"Putek! hahaha, ano daw sabi?", tanong ni Zoe.
"Beef with blood bread. Pftt, Oi August!" natatawang tawag ni Deina kay Buwan. Nakasimangot naman tinignan ni Buwan si Deina.
"What?"
"This is ketchup, not blood", pangangaral ni Deina dito with matching turo pa sa ketchup na nasa burger na hawak nito.