Author's Note: So yung pangalawang winner is yung kapatid kong panget 'cuz she supported me from the first day of my journey and so on. Kahit gano'n siya kapanget charot, eh lagi siyang suportado sa lahat ng ginagawa ko.
Hehe!
So enjoy this chapter, comment your thoughts, vote if you like it and follow me for updates.
Grammatical errors and typos ahead. Bear with me po huhu cuz' we bare bears!
¯(°_o)/¯
-
Chapter 25 : Herse and Uneace
Sky's Point of View
Mabilis lang silang nagpahinga at pinagtawanan ako nung kinuwento ko yung ilang detalye kagabi. Syempre hindi ko sinabi yung tungkol sa nangyaring pag-iyak ni August sa harap ko. 'Di ko nga sinabi na dumating si August kagabi sa bahay.
Pinanuod ko silang magpractice. Dumating na rin si Uneace na may hawak na mineral water.
Kaso...
Masakit. Masakit sa pakiramdam na ganito yung trato niya sa akin ngayon. Nung tumingin siya sa akin, yung tingin bang wala kayong pinagsamahan. Ang masakit pa, inirapan niya lang ako.
Kung tutuusin, hindi dapat siya yung ganyan ang trato sa akin. Maarte siya, oo. Pero hindi ba't parang masakit naman sa parte kong yung taong hindi man lang gumawa ng masama sa 'yo noon ay ginaganito na ako3 na ngayon.
Iirapan ko rin sana siya pero charot lang hehe, hindi ko kayang gumawa ng bagay na hindi ko kinasanayang gawin sa taong kinasanayan ko na ring nakasama sa lahat ng pagkakataon.
Siya muna yung pinagmasdan ko habang nagpapractice sila. Kung tititigan mo siya, makikita mo talagang hindi lamang sa bola at sa dinadaanan niya ang tinitignan niya. Pasimple siyang tumitingin sa kabilang team.
Kakaiba ang inaasta niya. May tanguan pang nangyayari sa pagitan ng kabilang team at sa kaniya.
Kumunot ang noo ko dahil napapalapit na ang dinidribble niyang bola sa kalabang team. Nasa kaniya ang bola.
What is she doing?
Hindi naman ata napapansin iyon ng kakampi namin dahil kasalukuyang sa gawi ng tent ng mga kalaban ang tinatakbuhan nila.
Liningon naman ni Uneace yung ka-team mate ni Metis na naman at nagtanguan sila which is definitely so weird that it takes a li'l nod to talk with each other without misunderstanding each other. What's weird with that? Xavion didn't even...
-////-
Oo nga pala. Goal keeper si Xavion kaya hindi niya matatakbuhan at mahahabol at mapapansin yung inaasta ni Uneace. Gago ka self, wala kang ambag sa lipunan.
Tumingin ulit ako kay Uneace ngunit agad nitong sinipa ang bola papunta kay Metis at pasimpleng sinipa ang sariling paa para madapa.
What the...
Kita sa mukha nung mga kupal ang pagngisi nila. Madapa sana kayong lahat. Yung tipong kapag nadapa kayo, aagnasin na agad ang paa niyo.
Agad namang tumigil sina Cate at Deina upang tulungan si Uneace. Yung iba ay tumakbo papunta kay Metis upang agawin ang bola. Ngunit napangiti na lamang ako ng bumaling kay Zoe ang atensyon ko. Nakatingin siya kay Uneace na ngayon ay tinutulungan ni Deina.
Gusto niyang tulungan si Uneace dahil base sa galaw niya ay napapaangat ang kamay niya upang kunin ang kamay ni Uneace tapos babawiin niya naman at ibaba ang kamay niya.