E N J O Y R E A DI N G, V E L L A S ! ! !
Chapter 13 : He's here...
Zayne's Point of View
Pagkarating namin sa infirmary, inasikaso agad ng nurse si Sky, nilagyan ng thermometer, ginising si Sky upang painumin ng gamot at pinatulog ulit. Ni hindi nga kami nagawang tignan dahil sa antok.
"I'll check on her later", wika nung nurse at tumango na lamang si Xavion.
"So, hihintayin ba nating magising si Sky?" Tanong ko.
Hindi umimik si Xav at kumuha ng upuan at lamesa. Ipinuwesto niya 'yon malapit sa higaan ni Sky at umupo. Inilapag niya ang mga papers at bumaling sa akin. "Nakatayo ka pa? Kuha ka ng upuan", saad niya at inginuso ang upuan sa tabi.
Kinuha ko 'yon at umupo sa tabi ng lamesa. Nagsimula nang buklatin nito ang mga activities ni Sky.
"She seems intelligent", nakangiting saad ni Xavion.
Mas bagay sa kaniya ang nakangiti. Minsan ko lang makita si Xav na nakangiti, tuwing kasama niya si Sky.
Simula nung mamatay ang parents niya, hindi na siya ngumingiti. Ramdam ko yung lungkot niya syempre, namatay rin ang parents namin ng kapatid ko. Pero nandiyan naman si Ezra para alagaan kami.
"'Are you done telling my story?"
Paktay!
"Ha?" sagot ko, kunwaring nagtatanga-tangahan.
"Kung ano-anong iniisip mo, nakakairita", seryosong saad niya habang ang atensyon ay nasa mga papers.
"Ba't ka kasi nagbabasa ng isip?" nakanguso kong tanong.
"Ba't ka kasi nagbabasa ng isip?" pangagaya niya pa kaya napairap nalang ako.
Tinignan ko ang sinasagutan. About Geometric Sequence.
"Kaya mo ba 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa papel.
"Hmm", sagot niya. Hindi ko alam kung oo or hindi yung sinagot niya. Baka ungol hehe. Isang oras na kami rito at tinutulungan ko pa si Xavion na magsagot.
"Yow!"
Napalingon ako at nakita si August na naglalakad papunta sa amin. "Paano mo nalaman na nandito kami?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Ano naman ngayon kung nandito ako?" Bumaling naman siya kay Xavion. "Waw, sipag naman ni fafabol. Mukhang naghahanda sa pangarap", nakangiting saad ni Agosto.
"Get off of me, you gay", nandidiring saad ni Xavion dahilan para matawa ako.
"Taray mo naman. Straight 'to!" Depensa niya. "She looks peaceful", baling ni August kay Sky.
"I know", sagot naman ni Xav habang nakatingin sa papel at nagsasagot.
"How can she be this beautiful even without make-up?" Nakatitig pa rin siya kay Sky.
"I don't know. Maybe it's one of her talents?"
Natawa naman ako. "Kelan naging talent ang pagiging maganda? Hahahah! Buti nalang nakakahanga ang talent ko", nagyayabang na ani ko.
"What talent? Being noisy? Wala kang ambag sa lipunan, dude."
"Burn.."
"'Wag ka ngang makisali sa usapan ng mga straight, baklang 'to", baling ko kay August.