Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 31 : Last Practice
Metis' Point of View
Pagkabalik ko sa L.G. ay pumunta ako sa M.A.A., at nakita ang ibang Lycanian na nakaupo paikot at sa gitna noon ay may bonfire.
We usually talk about the past of LYCANIA clan or other stories tuwing maggagawa ng bonfire.
Tumakbo ako papunta doon at nakita si Coach Elara na nagsasalita. Napansin niya akong tumatakbo papalapit sa kanila kaya tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa akin.
"Where have you been?", tanong nito kaya nag-isip agad ako ng ilang imahe upang hindi nito mabasa ang iniisip ko.
This is so disturbing.
"Just wandering around", wika ko tumabi sa pagitan ni Herse at ni Arche at nakinig sa mga kwento nila.
-KINABUKASAN-
Maaga kaming pumunta si NHIA for our last practice laban sa SH.
Nasa locker kami ng mga co-players ko nang may marinig kaming nagtatawanan sa labas ng locker room namin kaya sumilip ako sa may pinto at nakita ang SH na nagtatawanan.
Kasabay no'n ang pagdating ni Sky kasama si Xavion.
"Oh, andito na ba yung mga depungal?" tanong niya kaya kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Nasa loob ng locker nila, nagmumuni muni", wika nung isang babaeng naka-salamin kaya natawa naman silang lahat.
Is this the benefit of playing fair? Tss!
"Napaka-tsismoso mo 'no".
Natigilan ako sa pagsilip nang magsalita si Coach Elara mula sa likod ko. Humarap ako sa kaniya at nakita itong nakakrus ang braso at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Coach-"
Bumuntong hininga siya. "Metis, we talked about this. We have to play fair, otherwise we disappoint Master again", wika nito kaya iniwas ko ang tingin ko.
Ilang minuto pa ang tinagal namin sa loob at lumabas na kasabay ng pagdating ng coach nila.
"So we're complete na?" tanong niya pagkalapit nito kay Coach Elara.
Nakakatawa lang na babae ang coach ng soccer, hindi lalaki.
Tumingin ako kay Sky at nakita itong nakangiting nakatingin kay Coach Cyllene na nagsasalita about sa rules ng game at mga kailangang tandaan.
I looked at her hair na maganda ang pagkakapuyod, her long eyelashes, her clear skin yet cute cheeks, and her pinkish lips.
Well, aaminin kong she's beautiful and elegant.
W-What?
Ngunit agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya ng bumaling ito sa akin.
What am I thinking?!
I looked at Xavion na seryosong nakatingin sa akin at nagsalubong agad ang aking kilay nang makita ang kamao nito.
He's wiggling his fingers. I look up into him and saw him looking directly at me.
What's wrong with him?
Iniwas ko ang tingin kay Xavion at ilang minuto ba ay nagsimula na ang huling practice. Mabuti rin and walang pasok ang NHIA ngayon dahil sa last practice ng Silver Hawks at Lycania Camp.
Since may 2 minutes after our last practice, pumunta muna ako sa washing area. Malapit din sa washing area ang bleachers 2 at kita doon si Sky na may kasamang lalaki.