Enjoy Reading Vellas!
Chapter 17 : Late
Zayne's Point of View
"Oh akala ko kina Sky ka matutulog?", takhang tanong ko nang dumating si Xavion dito sa mansiyon ngunit natigilan lamang sa paglalaro ng billiards nang tumingin ito sa akin.
"I can't.."
Tumango tango ako at natawa. "Takte oo nga pala! Hindi nga pala tayo natutulog! Pfft.." Umiling iling ako at pinalo ng tako si August na kalaro ko.
Agad sumimangot si August at dinagukan ako sa batok na ikinatalsik ko at napadaing pa nang tumama ang likod ko sa pader. "Damn this bloodsuckers!", usal ko at inayos ang sarili ko.
"She really is my mate", biglaang wika ni Xavion habang nakangiti.
Hindi ako gumanti nang ngiti, sa halip ay tumango lamang ako.
Hindi parin magdigest ang nangyari kanina. Anong ibig sabihin ng sinabi ni Ezra noon? Na hindi kay Xavion ang pin na hawak ni Sky?
Pero dahil sa nangyari kanina, siguro nagkakamali si Ezra kasi, kay Xavion talaga ang pin. Red and silver yung kaniya, and akin ay white and silver.
"Goodluck with your mate", saad ko at nginitian si Xav at bumaling kay August. "Let's hunt?", suggest ko kaya natawa ito at nagpaunahan pa palabas.
-
Sky's Point of View
Kasalukuyang akong nasa dining table para kumain syempre and for the first time, kasama ko si Kuya! Yehey!
"Where's your fiancé, Sky? I haven't seen him lately..", usal ni Mom kaya awtomatikong napatingin sa akin si Kuya na salubong ang kilay.
"W-What?", kunot-noong saad ko. Ang sama niyang makatingin.
"What do you mean 'what?' ? Fiancé? You're too young to have one", saad nito kaya napanguso ako.
Aba! Hindi ko naman kasalanan na nanghihypnotize pala yung Amo na yon! Malay ko dun!
"Hindi ko naman fiancé yon? Mali lang yung pakinig mo! Diba, Mom? Sabi mo.. ay.. uhmm.. pi.. pilanse! Oo, pilanse nga!", nanlalaking matang saad ko at nakaturo pa kay kuya.
'Pilanse? What the heck is that?'
"What pilanse? What is that?", palusot ni Mom kaya tinignan ito ni Kuya.
"Pilanse? Who's that?", takhang tanong ni Kuya kaya napahilamos ako sa mukha ko.
"Ano bang sinasabi niyong pilanse? Hindi naman ako ang nagsabi non? Hmm? Never heard of it", palusot ko habang tinataas-taas ang balikat.
Ano ba yan? Ano ba yung pilanse? Sinong nag-brought up ng word na 'yon?
Aish!
Tinapos na namin ang pagdidinner at naisipan nang matulog ngunit ang gitara sa aking cabinet ang pumukaw ng atensiyon ko.
Bumuntong-hininga ako at kinuha iyon at dumako sa teresa ng bahay namin.
Ang ganda ng langit. A beautiful sky deserves a beautiful song..
Umupo ako sa sofa doon at nag-strum ng kaunti. Bumuntong hininga ako. Hindi ko na itinuloy iyon at napahalumbaba sa aking gitara.
"Hey, can't sleep?", anang boses kaya napalingon ako at nakita ko si Kuya Sean na nakapamulsa at nakapantulog na naglalakad palapit sa akin.