Author's Note: Hehe, joke. How's your studies, chinggus? Mahirap? Hayss, that's what I'm suffering on rn lol. But yeah, this is for my future kaya gagawa ako ng paraan para matapos yung modules ko. At the same time, yung aking story.
Let's work hard but don't forget to rest becuz our health is more important than anything.
So, for today, enjoy the chapter, comment, vote and follow!
~(^з^)-☆
-
Chapter 26 : Uneace and Herse Pt. 2
Uneace's Point of View
"Tell me..." As soon as Deina said that. My tears began to fall.
This wasn't part of my plan but did I do a great job?
"I'm sorry", I uttered and closed my eyes, letting my tears roll down my cheek.
And I remembered everything..
[ FLASHBACK ]
( ito yung ikukwento niya kay Deina )
I was walking down the hallway when I saw one of the players of Lycania Camp walking towards me so before I turn my back, he already pulled my hand and pinned me to the wall.
Talagang sinigurado niyang walang makakakita sa kaniya ah.
Sinasakal niya ako. Bakit ba ang hilig nilang manakal?
Halos magkahika ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa leeg ko hanggang sa namalayan ko nalang na nakalutang na ako sa ere sa sobrang pagkasakal niya sa akin.
"You're from Silver Hawks, right?", tanong nito habang nakangisi.
"Y-Yes.." Hirap na hirap ako sa pagsasalita.
"Good. You're gonna help us win the game. Whether you like it or not, you're gonna help us. We'll spare your life", wika nito at binitiwan ako.
Ano bang sinasabi niya? Spare your life? Papatayin niya ba ako? Kami?
This ain't good.
Habol-habol ko ang aking hininga nang mabitawan niya ako. Sinapo ko ang aking leeg at dibdib at panay ubo ako nang hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.
"No!" pabalik na sigaw ko. "I won't sacrifice myself to let y'all win. I will never-- ah!", daing ko nang suntukin niya ang tiyan ko dahilan para mapasalampak ako sa sahig.
I can't do my first move. I can't even defend myself. I looked at him and he was smirking.
How dare him!
Tumayo ako at sinuntok siya sa mukha. Wala akong magawa kundi ibigay ang natitira kong lakas para suntukin siya.
Ngunit laking gulat ko nang tumalim ang tingin nito sa akin. Biglang nag-init ang katawan nito kasabay ng pag-usok ng mga balat nito at naging-- lobo?
What the hell is he?
Kinabahan ako nang makita ang matatalim nitong ngipin at pilit kong inaatras ang sarili ko nang mabagal itong lumapit sa akin.
Patuloy ako sa pag-atras nang bigla niya akong inambahan ng matatalim niyang ngipin dahilan para masugatan nito ang aking braso at napapikit pa ako sa sobrang hapdi noon na para bang may lason ang ngipin niya.