Author's Note: Ako, ganda. Ikaw, hindi.
Charot. Hahahah! Wala lang akong masulat sa Author's Note hehe...
So, enjoy the chapter!
-
Chapter 27 : Lycania Grounds
August's Point of View
"Syet! Ang gwapo ko talaga", wika ni Zayne habang hawak hawak ang baba at nakangising nakatingin sa salamin.
Ngumiwi ako. "The word 'gwapo' rhymes with the name 'Agosto' and that's me", payabang na saad ko sabay ngisi.
Kasalukuyan kaming nasa mansiyon ni Ezra at hinihintay si Xavion na lumabas ng living room sa taas ng mansiyon. May pag-uusapan daw kasi sila.
"Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo, Augy? O talagang hindi mo maamin na mas gwapo ako sa 'yo", nakangising wika nito kaya napairap ako.
Hindi ko na sinagot ang mga achuchu niya dahil mas mawawalan lamang ako ng ganang mang-asar kasi sa una palang naman ay ako na talaga ang gwapo.
Kaya tuwing August ko sine-celebrate ang buwan ko. Ang buwan ng mga gwapo. Mweheheh..
Napasulyap kami sa may hagdan at nakita si Xavion na nakangiti at nakapamulsang naglalakad palapit sa amin.
Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa side pocket ng pantalon ko at naglakad papalapit sa kaniya.
"Ganito na ba talaga kalala ang charisma ko para mapangiti kita ng ganiyan?", birong saad ko and as usual, napaltan ng seryosong mukha ang kaniyang masayang mukha dahilan para matawa ako.
Minsan natatakot ako dito na baka anytime masapok ako sa sobrang talim ng tingin. Akala mo papatay ng hayop, eh si Zayne lang naman ang aso dito.
"Let's go?", anyaya ni Zayne kaya tumango kaming dalawa.
"Dumaan tayo muna sa mga bahay ng kaibigan ni Langit. Ezra ordered us to protect them, now that they know something about us", mahabang litanya ni Xavion kaya napanguso ako at itinabingi ang ulo.
"Alam nila? Kailan pa? Akala ko si Sky lamang ang nakakaalam?", sunod-sunod na tanong ko.
"I've read their minds earlier. Lalo na si Uneace, Lycania Camp threatened her", wika ni Xavion kaya nagtinginan kami sa isa't isa.
"Kaya ba nagsigawan sina Zoe at Uneace kahapon? Dahil--", si Zayne.
"Dahil gumawa siya ng istorya na dapat hindi paniwalaan nina Zoe ang kwento ni Sky", putol nito sa pagsasalita ni Zayne.
"How about Lux?", tanong ko.
"She already knew. She has a mark. You remember Theo?", tanong ni Xavion kaya napatango kami.
"He's our relative, right? Specifically, your relative", seryosong sabi ni Zayne.
Tumango si Xavion. "Yeah. He left a mark on Lux", ika nito kaya naliwanagan kami.
"Tara na hangga't nakataas pa ang buwan", sabi ni Zayne kaya lumabas na kami ng mansiyon.
Habang naglalakad sa isang eskinita upang mag-spy sana sa bahay ni Uneace ay malayo pa lamang ay namukhaan na namin siya.
And worse, Lycania Camp was following her and as soon as nahila na nila ito sa isang pasilyo sa kanan ay agad kaming gumapang pataas ng mga boarding house at tinignan ang ginagawa nila Metis mula sa baba.