E N J O Y R E A D I N G , V E L L A S!!
Chapter 7 : The Bloodsucker, the Dog and the Dog Owner
Sky's Point of View
Tumango naman ako.
"Sige, para lubayan na rin ako niyan", nakangiti kong saad at sumubo ng ramen kaya tumango ito at ngumiti bago iniabot sa akin ang wallet. Hawak parin nito ang singsing, at kumunot ang noo ko nang iabot nito ang singsing kay Zayne.
"Bury this or take this to Ezra, she'll know what to do with that", paliwanag ni Amo at tumango nalang si Zayne bago ibinulsa ang singsing.
Ezra? Kaano-ano niya si Ezra?
Tinapos na namin ang pagkain at nagbalak nang umuwi. Nagpaalam na rin sina Zayne at Agosto kaya inaya ko na si Amo pauwi.
Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong ako ni Mom.
"How's school?", tanong ni Mom habang inaalis ang suot kong sapatos at gayon din ang ginagawa ni Amo.
"Ayos lang naman, Mom", nakangiting saad ko at sumalampak sa sofa sa sobrang pagod. Pumikit ako at inilagay ang braso ko sa ulo.
"Gusto niyong magmeryenda?", tanong ni Mom kaya nagmulat ako at umiling. "No thanks, kakakain lang namin ng ramen", saad ko at kinuha ang bag ko then went upstairs, at pumasok na sa kwarto ko. Pagkabihis ko ng pajama at oversized t-shirt, dumiretso ako sa kwarto ni Kuya Sean upang tignan ang ginagawa ni Amo.
Nakabukas naman ang pinto ngunit hindi nito kita ang pagdating ko kaya sumandal ako sa may pintuan, pinagkrus ang braso ko pati ang binti ko, at isinandal ang ulo sa may pinto. Nakaupo ito sa higaan at inaayos ang gamit, naka-over-sized t-shirt din ito at naka-pajamas katulad ko.
Kumatok ako at doon palang niya nalaman na nandito ako. Ngumiti ako at pumasok. Umupo ako sa swivel chair ni Kuya Sean at humarap kay Xavion.
"Kumusta ang school? Mahirap noh", nakangising saad ko habang tinitignan itong magbuklat ng mga notebook.
"Hindi.." Napatingin ako dito ng nanlalaki ang mata sa sinabi.
"Anong hindi? Hindi ka nahirapan?", tanong ko habang nakakunot ang noo. Tumingin ito sa akin then he sweep his hair off. Napangiwi pa ako nang ngumisi ito.
"Ba't ako mahihirapan? I can hypnotize them to do the work for me", nakangising saad nito kaya napasimangot ako at napa-isip.
Hindi kaya...
"Hoy! Ikaw yung nang-hypno sa mga kaklase ko noh, para ang tingin nila sa iyo ay fianc? ko!?", inis na tanong ko sa kaniya at dinuro pa siya.
"Obviously", saad nito at ngumuso bago itago sa bag nito ang nakalabas na mga notebook. Napahawak ako sa bridge ng ilong ko sa sobrang pagkainis.
Grabe lang talaga siya! Sarap niyang pektusan!
"Oi, Amo", nagbabantang saad ko at tumingin naman ito sa akin. "Itigil mo iyang panghihypnotize mo ng mga guro. Masama iyon. Matuto kang magkusa na matuto ng mga aralin sa school, lalo na at ang ilan sa mga ito ay wala sa bokabularyo ng katulad niyong bampirang multo", nangangaral na saad ko. Tinitigan ako nito at napasimangot nalang ako nang tumayo ito at unti-unting lumapit sa akin.
Inilapit pa nito ang mukha nito sa mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Napamura nalang ako sa isip ko nang kunin nito ang panga ko at iniharap sa kaniya.
Ilang lunok ang nagawa ko sa sobrang kaba ngunit nalusaw din nang halikan nito ang noo ko. Dama ko ang sobrang pagka-luwag ng paghinga ko dahil sa naramdaman ko. Katulad ng nararamdaman ko tuwing hinahalikan ako ni Kuya Sean sa noo bago ako matulog. Kamusta na kaya siya?