Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 39 : Philip and the hammer
Keithia's Point of View
Sadyang kinailangan kong paluin si Sky pati yung iba niyang kaibigan para makatulog dahil pansin kong nanunuod na sa aking ginagawa ang mga bampirang kasama ko. Hindi ko pwedeng magawa iyong planong, "DAPAT AY MAKOMBINSE KO SI SKY NA SUMAMA SA AMIN", at dahil nga may nanunuod na sa mga galaw ko, hindi imposibleng marinig nila ang pagkausap ko rito na maski pagbulong ay mapapakinggan nila, kahit gaano man kalayo iyon. Si Kale ang ipinasok ko sa van. Kaya pinagpalit ko ng damit sila, para halatang si Philip iyon at kunwari'y hindi si Kale.
Kasalukuyan kong idina-drive ang van palayo ng Amusement Park. Napapasulyap naman ako sa rear mirror at nakikita sina Calli at yung iba na kasama ko. Bakante ang shotgun seat kaya makakagalaw ako ng maayos, si Calli naman, malapit sa may pinto. Nakakapagtaka dahil man lang nila inalam kung sino ako. Baka nasabi na ni Kale nang maghiwalay kami sa bukana kanina. Hindi pa rin kasi ako nakakapagchange form. Kamukha pa rin ako ni Philip pero in-fairness ah, bet ko scent ni Philip.
Tapos parang gusto kong ngumiti ng pagkalaki laki dahil feeling ko, gising sina Sky, Zoe, Cate at Deina. Sila pa, psh! E, hindi ko nga mapredict ang mga iniisip nila.
Kung hinahanap niyo si Philip, ngumisi ako nang maalala ko ang inutos ko sa kaniya nang buhatin ko na si Kale. Bilib ako sa batang iyon ah! Basta... mamaya malalaman niyo kung anong gagawin non hehe.
Itinuon ko na ang atensiyon sa pagdadrive nang magsalita si Augy sa earpiece ko.
[ Let go of the steering wheel. Uneace is in control of it ]
Ngumisi ako. "Copy that.."
Ngumiti ako ng palihim at binitawan na ang manibela kasabay ng pagkuha ko ng spray na pampatulog sa aking bulsa.
'Now it's showtime'
-
August' Point of View
Ayun oh!
Akala ko'y hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong magsalita, jusmiyo ka author ah!
[ a/n: oh! ba't ako napasama sa paghihimutok mo? Epal 'to! ]
-,-
So ayon nga, andito kami ngayon sa isang ferris wheel car. Ang galing din kasi marami ang may gustong sumakay sa ferris wheel na ito pero shutdown daw ang ferris wheel ngayon, according to Uneace. Kaya hindi kayo magtataka kung bakit nakahinto ang mga ferris wheel cars at hindi naikot. Kapag daw kasi gano'n ay mahihirapang mang-spy si Uneace mula rito sa pinakamataas na car. Isa lang ang bag na dala nito pagkapasok naming tatlo nina Ginger at Xav. May nakasabit ding binoculars sa kaniyang leeg at may pagkain din siya, baka sakaling hindi siya magutom.
Bilib din ako sa magkakaibigang ito. Ang galing sa mga ganitong sitwasyon. Pero nakakapagtaka bang para sa amin nila Xav, first time nila sa ganito dahil nga parang first time nila maka-encouter ng immortal at kinailangan lang namin ng tulong sa kanila lately pero base sa galaw ng magkakaibigang sina Sky, Deina, Uneace, Cate at Zoe, parang gamay na nila ang mga ginagawa nila. Para rin akong kinukutubang hindi ito ang first time nila sa mga ganitong sitwasyon. P-Parang may past itong magkakaibigang ito...
Naglakad ako papunta sa may bintana at palihim akong napapikit dahil ang taas noon, hindi lang kasi sa buong Amusement Park ang kita mula rito, kundi ang ilang kabahayan at highways pa sa labas ng park. So kitang kita namin mula rito sa taas ang magiging daan kung saan namin ipupunta ang van na kontrolado na ni Uneace.