Chapter 10

8 3 0
                                    

E N J O Y  R E A DI N G, V E L L A S ! ! !

Chapter 10 : Twin sister

Zayne's Point of View

Kasalukuyan akong nasa Savernake Mountain, kung saan kami naglalagi ni August. Mansiyon naman itong tinutuluyan namin kaya maayos ang buhay namin. Bumuntong hininga ako at laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto na sa sobrang lakas nito ay halos mapatalon kaming dalawa. Pati si August na nakatuon ang atensiyon sa telepono ay halos mabitawan ang cellphone sa gulat.

Napatayo at tumungo para magbigay galang. Nasa aniyong tao ito at naka-bestida ng kulay dilaw at maayos ang pagkakaayos ng mahaba nitong buhok. Tatlo lamang ang aniyo niya; anino, tao, espirito.. Because she's a goddess, daughter of a goddess.

Kung titignan mo siya, maganda talaga siya. Medyo singkit ang mata pero bumagay sa maliit niyang mukha. Mapula ang labi ang masasabi mong napaka-elegante niyang tignan. Kesyo, she's already a thousand years old.

Padabog na naglakad si Ezra at tumigil sa harapan ko. Nakatungo pa rin ako pero pagkatapos nito akong titigan ay umalis ito at pumunta sa single sofa niya.

Pagkaupo nito sa upuan nito ay iyon lang ang hudyat na pwede na kaming tumunghay at bumalik sa ginagawa namin.

"May problema ata si mudra", bulong bigla ni August kaya sininghalan ko ito at bumuntong hininga.

Inilagay ko ang aking kamay sa magkabilang bulsa ko at maangas na lumapit kay Ezra.

"Something bothering you?", tanong ko dito. Masama itong tumingin sa akin at bumuntong hininga.

"Unbelievable.." Tumawa ito ng mapakla. "Xavion left a mark on Sky's wrist without knowing that the pin Sky's holding is not his.."

Nagsalubong ang kilay ko at napaamang ngunit napatungo.

'Anong ibig sabihin niya? Sabi sa akin ni Xavion, si Sky ang may hawak ng blossom pin niya? Paanong hindi siya? At kung may humahawak ng pin ni Xavion, sino iyon? Pati yung may-ari ng pin na hawak ni Sky, sino rin iyon?'

"What do you mean?", kunot-noong tanong ko ngunit pag-iling lamang ang naisagot nito.

"By the way, Ginger is coming back from Selwood with Keithia. Look after your sister, lalo na yung kaibigan niya. She might be looking for Xavion right now", wika niya kaya tumango ako.

Ginger is my sister and Keithia is her bestfriend. Napailing ako at bumuntong hininga.

-

Sky's Point of View

"Wah!!!!", nakangiting usal ko at napapalakpak. Mmm, ang bango! Nakakagutom tuloy!

Kasalukuyan kaming nasa subway ni Amo. Naalala ko pa yung nangyari kanina.

[ FLASHBACK ]

Tumingin ako kay Xavion na seryosong nakatingin sa anino. Nagsalita naman yung anino.

"Hindi ko nga sinabi iyon ngunit obligasyon mong magsabi sa akin kung maalis ka sa pagbabantay o hindi!!"

Hindi naman ito nagsalita kaya nagpatuloy yung anino..

"Hinanap kita sa pwesto mo lagi pero wala ka roon. Kaya kinailangan kong magtago sa mga anino ng mga tao para hanapin ka--"

Natigilan ito sa pagsasalita nang bigla akong kumapit sa braso ni Amo. Kasabay non ang pagkirot ng aking wrist dahilan para mapatingin ako rito kasabay ng panlalaki ng mata ko nang makitang umiilaw yung MARK!!

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now