Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 41 : That cashier
Sky's Point of View
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Lahat kami'y natahimik. Parehong mga piping hindi makapagsalita dahil sa pag-iisip ng maaaring mangyari.
"And whenever we're there, he's looking at us. I mean, directly.." dagdag pa ni Keith.
"Uh, hindi naman ata maiiwasang may tumingin sa atin kasi maingay tayo 'di ba?" si Uneace.
"Hindi naman sa coincidence ito kasi hindi ko maipaliwanag ang paraan niya ng pagtitig. Parang may binabalak", problemadong sambit pa ni Keith.
"So it's a 'he'? Sino namang lalaki ang magsspy sa atin? E wala naman tayong ginagawa sa kanila?" nakabusangot na tanong ni Zayne.
"Even if we're not or we are, the way he stare at us means he's planning something", depensa naman ni Keith.
"Possible", seryosong singit ni Cate. "Dalawa lang din ang ibig sabihin ng titig niya kahit hindi ko pa man nakikita iyon, nararamdaman ko at naiimagine ko. It's either he's staring at us dahil may pinaplano siya or kaya siya nakatitig sa atin ay iniisip niya kung anong magiging resulta sa atin ng plano nila na... planado na talaga", seryosong saad niya kaya bumaling lahat sa kaniya ang lahat. "Ayokong manisi pero may dalawang tao akong pinaghihinalaan... si Arvie dahil kung hindi ako nagkakamali, the last time I saw him ay noong nagplano tayong pumunta sa Amusement Park. He was standing right outside and beside the light post."
"I saw him, too", si Deina.
Sa pagkakatanda ko, that's the same time I saw Metis following us. Pero paanong hindi ko nakita si Arvie nung lumabas kami? What's his plan??
"Wait..." singit ni Zayne. "I remember that. Nagtaka nga rin ako dahil nakatingin itong dalawa sa labas nung time na 'yon", saad ni Zayne at itinuro pa si Cate at si Deina.
"Hmm, anong suot niya?" tanong ko.
"Black jacket", sabay na sagot nung dalawa.
"Matatalas ang mata, huh? hmm, it's easy for him to hide gayong kakulay ng dilim ang jacket niya." si August.
"Bukas na ang sports festival at tinext ako ni Coach Cyllene na alas nuebe ang laro natin. May opening remarks pa at siguradong naroon din sina Arvie pati yung mga bata niya", paliwanag ni Deina.
"Hindi tayo makakasigurado na magiging ligtas tayo. After what Ginger did to him, oh it was a no no.." si Uneace.
"Hindi pati siya nakakaganti kay Ginger kaya hindi siya titigil. Gantiero siya, sarap niyang ilagay sa sako." Inis ko pang isinubo yung aking marshmallow at padabog na nginuya iyon. Natawa naman ang iba at tumahimik habang kumakain ng marshmallow.
~ting!!
Agad kong kinuha ang aking phone sa aking bulsa. Si kuya!
One Unread Message
- Kuyang panget -
Baby, I'm leaving. Where are you?
6:02 p.m.'Hala!!!!! Aalis nga pala si Kuya!!'
Compose Message
To: Kuyang panget
I'll be back in a minute. What time ba yung flight mo?
Message Sent!"Who's that?" tanong ni Xav sa tabi ko. Tinignan ko siya. "Si kuya, mabalik na sa South Korea."
"Hmm, ihatid mo siya sa airport, at least you're the last person that'll wave him goodbye", nakangiting bulong niya.