Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 37 : The shapeshifter
August's Point of View
Buhat buhat na ito ni Zayne. Kitang kita rin sa mukha nito ang pagkagulat sa nakita.
"Hey, dimwit. Put me down", maarteng wika ni Keithia kasabay ng marahang pagbaba nito rito.
"Keith?" takhang paninigurado ko kung si Keithia ba iyon or hindi.
Ang galing ah, kamukhang kamukha ni Keithia itong babaeng ito.
"What?" tanong nito. "Kung nagtatakha kayo kung bakit ako naging pusa, well, to tell you the truth, I am not a human-turning fox. I'm a witch and shapeshifting is one of my abilities. And ngayong gabi ko lang nalaman iyon", nakangiting paliwanag nito.
Keithia's a shapeshifter?
-
Sky's Point Of View
( 9:32 a.m. )
"Sky! Wake up!" Unti unti akong napamulat sa lakas ng sigaw mula sa labas ng aking kuwarto.
Kinusot ko ang aking kaliwang mata ko at bumangon ngunit inaantok pa ako. Kaya kahit nakaupo at nakakumot pa ang kalahating bahagi ng katawan ko at tumungo ako at ipinikit ang mata ko.
"Hoy! Aba nga naman! Bumangon nga pero natulog din naman. Gusto mong hambalusin kita riyan?" usal ng isang babaeng wala iba kundi si Deina.
Naaalala ko tuloy yung mga plano ko minsan na hindi successful. Okay lang naman kasi kaya hindi nga nagtatagumpay ay paiba-iba rin sila ng plano!
Usapan kasi naming magkikita kami nina Deina, Zoe at Cate rito sa bahay upang pumunta sa Amusement Park dito sa Savernake at pag-aralan ang lugar.
[ FLASHBACK ]
"So Zoe, Deina, Cate and I will study the place and will look for places to hide, too. We can't be too obvious so we're going to dress up like we're gonna have fun instead", nakasandal sa swivel chair na wika ko.
"Paano 'yong mga susuutin namin na mga colored t-shirts?", tanong ni Ginger.
"Not her problem, gumawa kayo ng paraan para magkaroon ng gano'n", sabat ni Zoe. Napatingin naman ako rito at tumingin kay Uneace nang magsalita ito.
"That's right. Katulad ng sinabi ni Keithia no'ng una, 'wag tayong maging dependent kay Sky, kung gusto niyo ng mga damit na iba't ibang kulay, mag mall kayo bukas at umagaw no'n.." Itinaas naman nito ang isang kamay at inilagay sa malapit sa bibig at bumulong. "..siguraduhin niyong makakaagaw kayo ah, baka kasi makita kayo sa CCTV na nang-aagaw eh", bulong nito habang humahagikhik kaya napaamang ako kasabay ng pagbatok dito ni Deina.
"Funny 'yon?" asik dito ni Deina.
"E, nagbibiro lang naman ako eh", paawang wika naman ni Uneace.
Pare-parehas lang kaming papalit-palit ang tingin sa nag-aaway na tigre at kambing. Amp!
"E, kung gawin ko rin kaya iyan sa'yo?"
"Joke nga lang e. Sorry na."
"Gusto mong biruin kita kapag seryoso kang nakikipag-usap sa akin?"
"Ang brutal mo rin e, 'no?" sabat naman ni Buwan sa usapan habang nakapamulsang nakasandal pa sa pader at nakangising nakatingin sa dalawa.