Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 42 : Do the opposite
Sky's Point of View
"Kuya!" nakangiting bati ko pagkapasok ko ng bahay namin.
Nakaupo siya sa sofa, nakasandal at nakade-kwatrong panlalaki at maayos ang damit. Heattech tank, coat at naka-jeans at cardigan. Nasa Pilipinas pa lamang siya, pang-Korea na yung suot niya. Ang gwapo pa rin.
Nilingon naman niya ako. "You're here", nakangiting saad niya at itinago ang phone sa bulsa. Tumayo siya at naglakad palapit sa akim kasunod ng paglapat niya ng braso sa ere upang salubungin ako ng yakap.
"Syempre! Feel na feel mo ang pag-alis ah. Parang gustong gusto mo akong iwan", nakangusong atungal ko sa kaniya at niyakap naman niya ako.
"Hahahaha! I just wanted to do my job as a doctor. This is just a short vacation given by the director of the hospital I'm working at", bulong niya at hinaplos haplos ang buhok ko.
"Mm-hmm..." Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumingin naman ako sa relos ko. "It's 6:46. Let's go. You're going to miss your flight", nakangiting wika ko at tumango naman siya. Tinalikuran muna ako nito at dinala ang isang malaking itim na maleta.
Nakanguso akong pinanuod siya at luminga sa paligid. "Where's Mom?"
Nagkibit balikat naman si kuya. "I don't know. Akala ko kasama mo siya. Hindi ba nagtext sa 'yo kung saan nagpunta?"
Umiling naman ako at nagcheck ng messages sa phone upang masigurong nagtext nga pero wala akong nakitang unread message. Inangat ko ang tingin ko kay kuya na nakatingin sa akin at bahagya akong umiling.
"We should go. Malelate ka. Sayang lang kasi hindi natin makakasama si Mom bago ka umalis..." Bumuntong-hininga ako.
"I know", bulong pa niya at hinawakan ako sa kamay. "Let's go?" Tumango naman ako.
Pagkalabas at pagkalagay ng maleta ni kuya sa compartment ng kotse niya ay binuksan ni kuya ang pinto sa passenger seat para sa akin at tumakbo naman siya papasok sa driver seat after kong pumasok sa loob.
Pinaandar na niya ang kotse at itinuon ko na ang atensyon sa daan. Hindi pa man kami nakakapunta sa mismong highway ay nakaramdam ako ng kaba.
Normal ba 'to?
Umiling ako at dumako ang atensyon ko sa 7/11 na dadaanan pa lang namin.
"You want something to eat?" tanong ni kuya kaya napailing na lamang ako. Nakatingin pa rin ako sa 7/11 ay natigilan ako ng sa mismong tapat nito'y tumigil si kuya.
"Kuya, why'd we stop? I said I don't want anything..." sabi ko kay kuya pero wala akong natanggap na sagot kaya mula sa 7/11 ay sa kaniya ko ibinaling ang atensyon at napakunot ang noo ko nang makita itong nakatingin sa daan.
"Some jackass is blocking the highway", seryosong sambit ni kuya at nagbusina. Tumingin naman ako sa nasa daan at nanlaki ang mata ko sa nakita!
ISA SIYA SA MGA GINAPOS NAMIN!!!
Para akong tangang paralisado dahil hindi agad ako makagalaw sa nakita ko. Tinitigan ko siya at mukhang pamilyar siya sa paningin ko. Unti-unti akong napatingin sa 7/11 at naalala ko na. Isa siya sa mga cashier doon sa 7/11.
"K-Kuya, I think we should head back", kinakabahan wika ko pero hindi niya ako pinansin. Imbis ay lumabas siya.
"Hey, are you insane, man?" tanong pa niya habang nakadurong naglalakad palapit doon sa nakatayo sa gitna ng daan.