Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 40 : Can I court you?
Sky's Point Of View
"Okay..."
Nginitian ko ito at ginulo ang buhok.
"They're here!!"
Napalingon kaming lahat sa nagsalitang iyon, kasabay ng pagbukas ng pinto nung lumang bahay at lumabas sina Lux, Metis, Arche at Herse.
"Lux!!" masayang salubong nina Zoe kasabay paglapit nila rito. Lumapit din ako habang hawak si Philip sa kamay.
"Here", abot ni Lux ng tali nitong hawak kina Cate kaya agad naman nila itong tinanggap. "Thanks", sabi ni Zoe.
"Come on", yaya ni Deina at nagsama-sama sila nina Cate, Zoe, Keithia at Arche sa pagtatali ng mga bampira na nasa loob ng van.
"Hey", sabi ko kay Metis na nakapamulsang lumalapit sa amin ni Philip.
"Hey, how's the trip?" nakangising sabi nito.
Natawa naman ako at umiling. "Terrible." Lumapit din sa amin si Herse na nakatingin kay Philip na inosenteng nakatingin kina Deina na busy sa pagtatali ng kamay at paa nung mga bampirang pabigat sa buhay.
"Hey, who's this??" tanong ni Herse.
"Philip..." pagpapakilala ko kasabay ng paglingon ni Philip at tumingala upang tignan si Herse.
"You brought a kid in an adult mission... seriously, Sky? What are you? A babysitter?" bulong ni Metis kaya napanguso ako.
"I never brought him, he brought himself..." bulong ko at inayos ang pagkakahawak sa kamay ni Philip.
"In an adult mission?"
"Yeah", nakangising sabi ko pa.
"Yeah? Hmm.."
Tinitigan naman ni Metis si Philip. Lumapit si Herse kay Philip at umupo sa harap niya. Inosente naman siyang tinignan ng bata. "Are you aware that it's dangerous here?" tanong ni Herse.
"Yes, that's why I'm here because it's dangerous", kaswal na sagot ni Philip kaya palihim akong napangiti.
Kumurap kurap naman si Herse at hindi nakasagot sa sinabi ni Philip. Tumayo ito at bumulong sa akin. "He's weird."
"Yeah, I can tell", natatawang bulong ko. Umiling-iling ito at tumingin sa gawi nina Zoe na busy pa rin sa pagtatali.
"Where's ate Uneace, ate Sky?" tanong ni Philip kaya napatingin ako rito.
"ate?" tanong ni Herse.
Nakangiti akong tumingin kay Herse. "Magkapatid..."
"Hmm?" usal niya at tumingin sa mukha ni Philip. "Oh yeah, you have her eyes..."
"I don't have my sister's eyes. She have hers and I have mine", pamimilosopo niya rito kaya natawa ako ng bahagya at sinaway siya.
"Philip."
"Just stating facts, ate Sky."
"Yeah? common sense, Philip."
"Sorry, ate."
Umiling-iling naman ako at bumaling kina Lux, Keithia, Zoe at Deina na buhat-buhat ang mga bampirang nakatali na ang mga paa at kamay. Sinuot ko sa bulsa ko at isang kamay ko.