Chapter 33

2 1 0
                                    

Enjoy Reading, Vellas!

Chapter 33 : The Story of An Immortal and A Mortal

Metis' Point of View

I am looking at her. I mean, at them!

Andito ako, nakatago sa isa sa mga eskinita. Binabalutan ako ng hiya at takot tuwing makikita sila na para bang tignan lamang na magkakasama ang Silver Hawks, inside and outside the campus, parang ang hirap talunin. Mag-iisang oras na akong nakatago dito dahil hindi ako tamaan katapangan upang harapin sila.

Takte! Napagkakamalan akong bakla netoh eh!

Sa ngayon, tawa lang sila ng tawa. Medyo maingay yung ilan sa kanila na sisigaw sigaw pa na akala mo'y nag-aaway.

Pumikit ako saglit dahil ilang oras na akong nagtatago ngunit hindi pa rin ang makalapit.  Pero biglang nangunot ang noo ko, nagtataka.

Pagkamulat ko ay wala na sila. Lumabas ako sa tinataguan ko at luminga sa kaliwa't kanan ngunit bakit gano'n? Ang bilis naman ata nilang umuwi?

Napasabunot ako sa sarili ko. Parang nangyari ito eh. No'ng biglang nawala si Sky pagkalabas ko ng 7/11.

"Aish!" Inis na asik ko at tumakbo pabalik ng Selwood Forest at bumalik sa Lycania Grounds.

-

"Paano na iyan? Nakakainis naman oh! Sure ka bang matutulungan tayo niyan?" naniniguradong saad ni Arche.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Herse. Pagkarating ko kasi ay inaya ko na agad sila at nagpaalam kay Coach Elara na may pag-uusapan lamang kami.

Tumingin naman ako rito at bumuntong hininga. Tumango ako. "Sure ako. Sino ba naman ang magkakaroon ng lakas ng loob na sumugod sa isang lugar na puro lobo lang naman?" nanlalaking matang tanong ko kasabay ng pagbuntong hininga ni Arche.

Wala na siyang masabi kasi totoo naman yung sinabi ko. Naglakad ako palapit sa bintana at dumungaw sa labas ng bintana at tumingin sa gawing MAA. Kakuwentuhan ni Calli yung ibang Lycanians na naroon.

'Attention seeker..'

Umirap ako at tumalikod upang humarap kay Herse at Arche.

"First thing in the morning tomorrow...", panimula ko dahilan para mapatingin sa akin ang dalawang kupal. "...we find them. Whether we find them tomorrow or not, we're gonna find them the next day", paliwanag ko.

Hindi ko naman sinasabi na duwag ako para humingi ng tulong kay Sky at sa mga kaibigan nito. Alam kong sapat ang galing at talino niya- I mean 'nila', para matigil ang pag-atake ng mga bampira sa larong gaganapin sa Monday.

Sports Festival na kasi iyon, at sigurado akong mapupuno ang NHIA ng mga students and visitors.

3 days pa ang Sports Fest at sa ikatatlong araw ang Championships. I'm sure that they'll attack at that 3rd day.

-

Zayne's Point of View

[ KINABUKASAN ]

Katatapos lang ng pagha-haunt namin sa Savernake Forest and it's already 7:35 in the morning.

Binuksan ko ang front door ng mansiyon at napasulyap kay Ezra na nagbabasa ng dyaryo.

"We're here", bati ni Keithia at sumalampak sa sofa dahil sa pagod. "How's the hunt?", tanong ni Ezra at tinupi ang newpaper na hawak nito at inilapag sa coffee table.

"4 deers and 1 gazelle", nakangising wika ni August at umupo sa isa sa mga sofa.

"Hmm..." Tumango tango si Ezra at pinagkrus ang binti. "May pupuntahan ba kayo mamaya?" tanong nito kaya nagtinginan muna kami sa isa't isa at tumungo.

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now