Chapter 21

3 0 0
                                    

Author's Note : Heyyow! Bet ko lang mag author's note hehehe. Comment kayo kung ano mga thoughts niyo ahh! Let's make a twist out of my writing journey.

Every week, I'll pili-pili ng isang follower na bibigyan ko ng 50 pesos load, at least makakatulong ako kahit papaano for your online classes.

Hanggang magtapos ng November, ganito gagawin ko. Stop na ako 'pag december na. Good night everyone!

Enjoy the chapter! Comment kayo tas vote, kung ayaw niyo, kiss nalang ahehe. Charot! Labyu!



Chapter 21 : Her Made up Story

Metis Heggins' Point of View

"You didn't even tell your name", saad ko at napangisi ako palihim nang humarap ito sa akin.

Her scent smells weird. Hindi katulad nang naamoy ko whenever I ran into some humans.

Itinaas ko ang kilay ko at hinintay siyang magpakilala. It's taking her so long so I used my telepathy ability to read her mind. Ngunit agad nangunot ang noo ko nang wala akong makita at mabasa.

"It's for you to find out..." She smiled at tuluyan nang pumasok.

Is that even possible?

Umiling iling ako at isinuot ang parehong kamay sa bulsa at pumunta na sa aming locker room dito sa NHIA.

"Tol, you okay?", saad ni Arche at inabutan ako ng bottled drink.

"Thanks", walang emosyon kong saad at ininom iyon.

Maya-maya pa ay dumating pa ang iba naming kasama.

"Let's talk about our plan", saad ko kaya natigilan silang lahat at bumaling sa akin nang nakaseryoso ang aura sa mga mukha. Tss.

"The other team will do the stretching first on the soccer field bago pa tayo makarating doon. Since may 1 and a half hours lang ang natitira ngayon, we have 30 minutes until they began walking to the field. At that exact time, we'll go to their lockers. Take each of their clothes as fast as you can and bring them here. We'll track their scent at the end of the actual game base on their scent of clothing and follow them. Is it clear?", paliwanag ko kaya ngumisi ang iba sa kanila at yung iba ay tumango.

"We'll go in 30 minutes", saad ko kaya napahiyaw ang iba at parang success ang magiging plano.

Hmm, win or lose, we'll eat them.

-

Sky's Point of View

"We'll go in 30 minutes.."

Napataas pa ang kilay namin nang maghiyawan pa yung mga ulupong. Ha! Akala niyo di namin kayo nakikita? Well! Akala niyo lang iyon!

"Anong gagawin natin?", tanong ni Agosto. "Maya-maya ay pupuntahan na tayo dito ni Coach at papupuntahin na sa field."

Ngumisi ako kasi 'di ko rin alam. Parang may nakabuo nang plano sa isip ko eh.

"Hmm", panimula ko kasabay ng pagbaling nila sa akin. "We'll replace our clothing here and put it in our designated place, sa may music room. Ako na ang bahalang magpaliwanag kina Zoe. We'll replace them with another set of clothing, like rugs. Marami no'n sa sports faculty. We will use them", gaya nang na-expect ko, ngumisi sila.

"You're good at this, miss perfect planner", ngisi ni Keithia kaya napanguso ako at tumayo na upang pumunta sa sports faculty.

"That should do it.." Ngumiti kami nang matapos ang pag-aayos namin.

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now