Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 19 : Newbies vs. Oldies
Sky's Point of View
"So kumpleto na kayo?"
Napalingon kaming lahat kay Coach Cylle na kararating lamang na may dalang Jollibee kaya nanliwanag ang mata ko.
Heaven is the new Jollibee!
Ngunit napasimangot ako nang takpan ni Zoe ang mata ko. "Naku Coach, sana 'di na kayo nag-abala. May matakaw pa naman dito."
"Ya! Hindi ah!", saad ko ngunit napanguso kalaunan nang kumulo ang tiyan ko.
Grabe! Gutom na si tiyanyyy ko!
"See?", tatawa-tawang saad ni Zoe kaya inis na inalis ko ang kamay niya sa mata ko.
Tumawa naman si Coach. "Oh sige, kumain muna kayo."
Nagsikaniya-kaniyang kuha na kami. Kasalukuyan kaming nasa kubo dahil kakatapos lang naming magpractice ng isang beses.
"So how's your practice?", tanong ni Coach.
"Sky taught us so much na muntik na niya kaming patamaan ng bola, pfft", tawang saad ni August.
Sumimangot ako. Ang hirap nila kasing turuan.
[ FLASHBACK ]
Since 10 players kami, hinati ko ito sa gitna, so 5 to 5 players. Sinali na nga namin si Lux dahil dapat 11 players kami.
Mabuti naman at pumayag din siya dahil wala siyang nasasalihang sports and thank goodness, ambilis niyang turuan. Minsan may hindi pagkaka-intindi siya pero isang salita lang gets na niya.
So 6 vs. 5 , newbies versus oldies..
Pero bago pa kami magsimula, hinila ko sina Xavion, Zayne at August sa gilid ng field.
"Huwag kayong magdadaya ah. Don't use your abilities. This is a fair game. Is that clear?", paki-usap ko kaya ngumiti naman sila bago tumango.
It's on!
--
Nanlaki ang mata ko nang i-pass ni Zayne yung bola kay Deina kaya imbis na mainis ay ngumisi kami.
"Thanks bruh", saad ni Deina at dinribble ng bola habang papalapit kay Xavion na ngayon ay nag-aabang sa may net nila.
"Pass it to me!", sigaw ko dahil baka mabasa ni Xavion ang nasa isip ni Deina kung saan ipapasok ang bola.
"I got this!", sigaw nito kaya ngumuso ako ngunit napasigaw sa saya nang maishoot ni Deina sa goal yung bola.
Ngunit ang ipinagtaka ko ay hindi man lang gumalaw si Xavion sa may net at imbis na kami ang mag-saya, sila pa yung mas masaya.
"Yes! Goal!!!!", sigaw ni Zayne!
W-What the--
"What the hell?", bulong ni Cate pagkalapit sa akin.
"Sa sobrang tuwa nila, 'di nila alam na talo sila", natatawang saad ni Zoe kaya natawa ako.
Tumawa ako at kinuha ang bola at itinuloy ang next round.
"Here!", sigaw ko kay Uneace kaya pinasa nito sa akin ang bola at dinribble ko ito palapit sa net ngunit biglang inagaw ni Keithia ang bola at dinribble ito papunta kina Zoe kaya ngumisi si Zoe bago nag-abang.