E N J O Y R E A DI N G, V E L L A S ! ! !
Chapter 12 : Ezra?
Sky's Point of View
- KINABUKASAN -
"Sky! We're here", anang tinig sa malayo kaya inayos ko ang pagkakalagay ng gitara ko sa aking case at tumayo.
Kasalukuyan akong nasa music room. Pinaalala sa akin ni Zoe na araw araw akong dadalawin ng Chingu de Kwatro dito sa Music Room tuwing recess at tanghalian. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi naman ganoong ka-hyper si ako.
Like today, tanghali na. Sabi nila, dadalhan nila ako ng lunch, and here they are na para bang picnic ang mangyayari.
Nakangiti akong lumapit sa kanila ngunit nawala ang ngiting iyon nang makita kung sino ang kasunod.
Sina Zayne, August at si Xavion.
Pero agad nagsalubong ang kilay ko nang makita si Keithia na nakaangklas sa braso ni Amo and si Ginger nakahawak sa kamay ni August.
They're really weird. Si Amo, after what he said about the 'wife' thing, gaganitohin ako?! Tapos si August na hinalikan ako kahapon, may kapalit agad? What in tornation?!
Nagpilit ako ng ngiti.
Pati, bakit ba sila nandito? Ang sabi ko lang, yung CDK lang ang pupunta!
Lumapit ako sa kanila.
"Hey", pilit na ngiti na bati ko at tumingin sa hinaahin nila sa lamesa.
"I brought your favorite", nakangiting saad ni Zoe kaya nginitian ko ito. Uupo na sana ako sa tabi ni Uneace at ni Cate nang hilahin ako ni Xavion sa tabi nito.
Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Agosto kaya sinamaan ko lang ito ng tingin bago bumaling kay Amo.
"Kay Cate ako tatabi--"
"Sit with me--"
"No.."
Tumingin sa akin ng salubong ang kilay si Amo. Hindi ako nag-isip ng kahit ano, because of how he looks at me right now, makes me feel that he's trying to read my mind.
Ngumiti ako nang bitawan niya ang braso ko at umupo na ako sa tabi ni Cate.
"Xavion, pass me that please.." Napatingin ako sa inakto ni Keithia. She's so not cool.
Kitang kita ang pagngisi nito sa akin, at yumapos pa sa braso ni Amo habang kumakain.
Napairap ako sa kawalan, at padabog na kinuha ang barbeque at kumagat dito.
Nakanguso akong ngumuya at kinuha ang chords na nakasulat sa papel.
'Ano ba yan!? Ngayon naiinis ako dahil sa kanilang dalawa, tapos yung fave song pa niya ang kakantahin ko? Bakit nga ba ako naiinis? Hindi ko naman boyfriend si Xavion para magmukmok ako ng ganito. Ni hindi ko rin alam kung anong meron sa kanilang dalawa para maging sweet sila sa mismong harapan ko, so bakit pa ako maiinis? Inaamin kong kaunti na lamang ay magugustuhan ko na si Xav, dahil sa pagliligtas niya, sa ipinapakita niya, sa pag-aalaga niya. I mean, who wouldn't fall in love with a gentleman, right? Pero hindi ko pa naman tuluyang nagugustuhan ay naiinis ako. Nagseselos ako, oo, pero ano namang pake ni Xav? Hindi ko naman siya kasintahan. Walang kakwenta-kwentang asal ang ipinapakita ko. Nakakainis! Pero mas naiinis ako kay Keithia..'
Bumuntong hininga ako at napabaling lang kay Keithia nang basagin nito ang katahimikan.
"Since this is my first time hanging out with strangers, let me introduce myself first", nakangiting saad nito. Minura ko siya ng palihim.