Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 32 : Calli
Deina's Point of View
"Pass it to me!", wika ni Zayne habang nasa akin ang bola. Nakakapaglaro na rin si Sky kaya mabilis kaming nakapag-practice.
Dalawang practice na ang natapos.
Dalawang beses na kaming nanalo ngunit nakakapanibago dahil kahit mag-isip kami kung saan ilalagay ang bola at kung kanino ipapasa, parang dedma lang sa LC players. Parang hindi na nila ginagamit ang abilidad nila sa paglalaro and it's such a great idea.
Sinipa ko ang bola kay Zayne ngunit mabilis na nakuha ni... Eh? Sino iyon?
-
Metis' Point of View
Woah...
Napangisi ako nang mabilis na i-dribble ni Calli ang bola papunta sa net nila. Kita pa dito ang pag-ngisi nito kaya kumunot ang noo ko.
Something's strange about him. I ought to know why.
Tumakbo ako papunta sa gawi niya ng biglang bumilis ang takbo nito at sinipa ang bola papunta sa goal at boom!
Goal!
Humiyaw ang Lycania Camp sa tuwa dahil sa kauna-unahan panalo namin laban sa Silver Hawks.
Ngumisi si Calli at naki-high five kay Herse at lumapit sa akin. Hindi ko ito pinansin ang I just rolled my eyes on him bago itinuloy ang laro.
Seriously... Something's wrong with him.
-
Zayne's Point of View
"Woah, that's a first", pakinig kong wika ni Zoe nang manalo ang LC players.
Umiling nalang ako at tumakbo papunta sa aming pwesto. Ini-stretch ko pa ang aking leeg at hinintay pumito ang Referee at sumulyap kay August na seryosong nakatingin sa kung saan. Kita rin dito ang pagpapalagutok ng daliri nito gamit ang hinlalaki at dama mula sa kinatatayuan ko ang kaniyang kakaibang aura.
Tinignan ko kung sino ang tinititigan niya at nagsalubong ang kilay ko.
Si Calli? He's the new player.
Siya yung pinakilala ni Coach Elara sa harap naming lahat bago maglaro.
Prrtttttt!!!!!!!!
Tumakbo ng mabilis si Sky papunta sa bola ngunit mas mabilis si Calli. Hindi naman sa nagtataka ako pero bakit mas mabilis siya kaysa sa kaniyang mga kakampi?
Eh he's just a werewolf. Vampires are much faster than us. Si August nga kapag napapabilis ang takbo niya ay napapapalo nalang siya sa sariling ulo dahil medyo hindi fair sa mga kakampi naming hindi masyadong mabilis tumakbo.
Umiling nalang ako at itinuon ang focus sa nilalaro.
Tumakbo ako at sa isang iglap, nakarating na agad si Calli sa net namin kung nasaan si Xavion which is our goalie.
Tumakbo sina Deina at August papunta sa gawi ni Calli ngunit mabilis nitong nai-dribble ang bola gamit ang paa at shinoot ang bola sa net ngunit nasambot ito ni Xavion and he makes a save!
Ngumisi ako ngunit nawala ang ngisi kong iyon when I saw Calli clenching his fist. Galit ba siya? What a sore loser!
Lalo akong naguluhan nang makita ang mukha nitong iba na ang ekspresiyon. Mula sa galit ay nakangiti na siya ngunit halata ang pagkadismaya sa pagkatalo.