Enjoy Reading, Vellas!
Chapter 16 : Acquaintance Party Pt. 2
Sky's Point of View
Nagbow ulit ako at naglakad na pababa ngunit bago pa ako makababa ay hinila agad ako ng yakap ni Kuya mula rito sa back stage.
"I'm so proud. Big time", wika pa niya kaya napangiti ako. "...I haven't seen you singing like this in a long time. I guess I missed this a lot. I missed you so much, Sky", sabi pa niya at hinigpitan ang yakap.
Hindi ko alam na sa kaunting sinabi niyang iyon ay mangingilid ang luha ko.
Nang humiwalay na siya, ngumiti siya at unti-unting lumapit at idinampi ang labi sa noo ko. "Always remember that Kuya's here for you", sabi pa niya.
"I will." Nginitian niya ako at sinamahan na ako pababa at iminuwestra ang lamesa namin nina Zoe.
"Punta na ako", paalam ni Kuya pagkaupo ko. Tumango nalang ako at pinanuod siyang maglakad pabalik ng stage.
Lumingon ako sa mga kaibigan ko at... Problema ng mga ito?
Nakangisi sila habang nakatingin sa akin!
"Dukutin ko mata niyo", nakangusong banta ko. "...ba't ganyan kayo makatingin?"
"May kuya ako pero imbis na ganyan ang trato namin sa isa't isa, nagsusuntukan kami", naaasar na sabi ni Deina kaya natawa sina Zoe.
"Mas brutal pa nga kami ng kuya ko!" Depensa ko.
"Wow. Tologo bo?" Natatawang tanong ni Cate habang shape na 'o' yung nguso niya.
"Kung alam niyo lang", nakangusong bulong ko at hindi na sila pinansin.
Nilingon ko uli yung stage at nandoon na yung mc.
"Okay, thank you Miss Davis for a wonderful performance. Hindi ko kilala ko sino-sino tinignan niya habang nakanta, pero nakakakilig yung titig niya. Syet!" Sabi nung lalaking mc kaya nagtawanan ang lahat at yung iba'y napapasulyap sa akin.
"Owws, Miss Davis. How are you feeling?" Nakangiting tanong nung mc kaya itinaas ko ang kamay ko at nag-okay sign. "Buhay pa naman, medyo pagaw dahil pinagperform niyo ako", pasigaw na sagot ko.
"Di rin namin inaakala na maganda yung boses mo. Magkapatid nga kayo ni Mr. Davis", baling nito kay Kuya na inilingan lamang ito. Lumakas rin yung irit nung mga babae lalo na at si Kuya ang topic ulit ngayon.
Bumaling ulit yung mc sa amin. "For tonight, it's not just one singing performance. Give a round of applause to our transferee student, Mister Zayne Lycania."
"Go fafa!"
"OMG! Yung crush kooooo!!"
"Wahhhh! Ang gwapo!"
Napatingin ako kay Zayne na naglalakd na papunta sa stage at right after that, my gaza went to Xavion. Nakaharap siya mismo sa amin, prente ang pagkakaupo, may hawak na champagne glass, at nakatitig sa akin.
Halos magkatitigan na kami. Yung paunahan nalang matunaw. Yelo lang ang peg.
Ako na yung nag-iwas ng tingin kasi hindi ko na kayang labanan yung titig niya. Pilit kong pinapakalma yung sarili ko kasi sa titig na 'yon, bumilis na yung tibok ng puso ko.
Naiilang ako. Para akong tanga na lumulunok.
"Sky, namumula ka", sabi ni Zoe.
"Para kang kamatis", natatawang singit ni Deina.