Chapter 34

2 1 0
                                    

Enjoy Reading, Vellas!

Chapter 34 : Joining Forces

Sky's Point of View

Totoo ba ito?

Or palabas lang?

Maraming dadalong audiece sa laro naming iyon tapos ganito lang ang mangyayari? Anong ini-expect ko? Mamamatay lahat kami sa huli?

Nasapo ko ang noo ko kasi hindi naman malawak yung noo ko at maliit lang-- basta!! Anong gagawin ko?

Mula sa pagkakasandal ay napaupo ako sa sahig at kinagat ang aking kuko.

Wala ito sa plano ko! Walang wala ito sa plano ko!

Nagsimula iyon nung binalak ni Metis na magsorry sa akin.

[ FLASHBACK ]

Pagkalabas ko ng 7/11 dahil sa inis ay laking gulat ko nang may humigit sa kamay ko papunta sa isang bakanteng eskinita malapit sa 7/11.

Kumurap-kurap pa ako nang hawakan nito ang bibig ko nang muntikan akong mapatili sa pagkakahila niya.

Ba't ang bango ng kamay niya?

Nakasuot ito ng hoodie kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Madilim na rin kasi. Pero maliwa-liwanag naman dahil sa sinag ng buwan.

Inis na inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. "Ano bang problema mo at may pahawak hawak ka pa sa bibig ko? Anong tingin mo sa akin? Maingay?" inis na asik ko dito at napanguso nang alisin nito ang kaniyang hood at tumambad ang maputi at gwapo nitong mukha.

"Ano namang trip mo at may pa-hoodie hoodie ka pa?", natatawang asar ko at piningot ang ilong nito.

Sumimangot ito at inalis ang kamay ko sa ilong nito. "Stop", wika nito.

"Hoy, ikaw ah. Crush mo si Metis 'no", natatawang asar ko at sinundot sundot ang kaniyang tagiliran. "Yii", asar ko pa. Bakit kasi namin tinataguan si Metis?

"No. Listen to me, Sky. He's probably using you for them to win the game. So if he apologize to you, don't forgive him. He's trying to win your trust", saad niya kaya sumeryoso ako kasabay ng pagsalubong ng kilay ko.

"Paano mo naman nalaman?", tanong ko. "Oo nga pala, kaya mong bumasa ng isip di ba?", natatawang asik ko at umiling iling.

"No..."

"Ehh?"

"I heard him talking to Arche. I called you, but you didn't look back, instead you ran inside the shop like you're so eager to buy some fluffy, stuffy ice cream soon to be out of stock", asar na saad nito at tinulak ng bahagya ang noo ko kaya sumimangot ako.

"I have an idea", wika ko. Tuwing may problema, may pumapasok na plano or idea sa ulo na hindi ko alam kung saan nanggaling. Siguro ito ang dahilan kung bakit ako matalino 'no?

"You always have an idea, dimwit", natatawang asar nito sa akin kaya umirap ako.

"Tss, eh ikaw? Wala ka ngang idea..." Dinilaan ko pa ito. "We just have to play along. We can't just let him know that we know it", inis na wika ko.

Tumango naman ito. "His team agreed on what their coach said about  playing fair but he didn't. He's such an idiot", sabi nito at umirap sa kawalan.

When The Prime Falls [ O N G O I N G ]Where stories live. Discover now