This is a work of fiction. The names and places in this story came from the author's imagination. Similar names of a person,dead or alive, places from real life is purely coincidental.
@Chrismy_dreamer
11-11-2020
All rights reserved.************************************************************************************************************************************************************************************************************************
"Welcome to the Special Intelligence Spy Organization or S.I.S.O, Ayzhia . At last.". Tumayo ang babaeng matangkad na kung sa unang tingin mapagkakamalan mong modelo. Maganda ang mga mata, matangos ang ilong, mahaba ang tuwid na tuwid nitong buhok. Mula sa damit hanggan pang ibaba nito ay halos kulay itim. Pag akyat niya sa katamtamang laking entablado, tinitigan niya ang mga kasama. "Any words?" nilingon niya ang babaeng nagsalita bago ibinalik ang paningin sa mga kasama.
"I'm too fantastic, aren't I?" dumagundong and pagtawa at makikita naman ang pag iling ng iba. Tiningnan niya ang kabuuhan ng lahat. "Pagkatapos ng halos tatlong taon at mahigit na pag eensayo, nakamit na din natin ito. I deserved this. We deserved what we got! Congratulations everyone!" Masusulyapan sa kanyang ngiti ang lubos na kasiyahan. Hawak-hawak niya ang isang bilog na badge na may nakaukit na letrang A sa gitna na pinagawa ng sadya para sa kanya at may mga disenyo ito S.I.S.O sa gilid ng bilog.Ito ang simbolo ng kanilang organisasyon.
Matapos ang ilang oras ng kasiyahan, napagdesisyunan na nilang umuwi pero bago ang lahat, pumasok muna siya sa banyo upang magbihis. Ang itsurang ipinapakita niya sa karamihan ay malayo sa ipinapakita niya sa misyon at bilang isa sa top agents ng S.I.S.O.
"You looked different, Ayzhia." Tumingin ito sa salamin at kumuha ng pang ipit sa bag niya. Itim na pang ipit na may desenyong puso.
"It's Hawie" pangongorekta nito sa sinabi ng kaibigan.
Sa organisasyong kinabibilangan niya at sa labas niyon, ay magkaiba ang pinapakita niyang katauhan. Sa labas ng pinagtatrabahuan ay isa lamang siyang empleyado. Mali, hindi lamang siya, kundi halos sa mga nagtatrabaho rito ay may mga natatagong abilidad. Ang underground ng gusaling iyon ay napakalaki. Punong-puno ng mga gamit na mapapamangha ang sinuman.
"Tara na" Niyaya niya ang kaibigang si Aria. May hinahalungkat ito sa kanyang dalang bag na di malaman kung ano.
"Teka lang, May nakalimutan ako" nagpaalam siyang babalik kaya umupo muna ako at hinintay siya sa lobby. Tiningnan ko ang relo ko. Normal na relo kung titingnan pero kahit sino ay pwede mamatay kung gugustuhin ng may ari.
Nagtagal pa siya ng ilang minuto hanggang sa naramdaman na niya ang bagot.
"Ang tagal. Huling limang minuto" sabi niya sa sarili habang ang paningin ay nasa relos.
Natapos ang limang minuto at tumayo siya. Mararamdaman ang bagot. Luminga luminga siya sa sarili. Nakikiramdam kung may mali ba pero ramdam niyang wala. Pinawalang-bahala niya ito at dali-daling bumalik sa underground.
May pasilyong madadaan bago makarating sa secret room pero nakakapagtakang walang taong mahahagilap rito. Kung dati ay may mga abalang tao na pabalik balik paroon at parito pero ngayon, patay sindi ang ilaw at naririnig na niya ang sariling ingay sa sobrang tahimik.
HAWE'S POV
Dahan dahan kong inihanda ang sarili sa mga posibleng mangyayari. Kinuha ko ang pang ipit na nilagay ko sa buhok kanina at nilugay ng sadya ang buhok ko. Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Nakakapagtakang wala akong maramdaman. Idinilat ko ang mga mata at diretso akong pumunta sa malaking kwarto kung saan ginaganap ang awarding kanina.
Inihanda ko ang baril na nakalagay sa gilid ng binti ko. Hinawakan ko ang bakal na hawakan ng malaking pinto at pinwersahan ko ito para bumukas at biglaang tinutok ang hawak ko sa mga...ang dilim? What's going on?
Nakaramdam ako ng pwersa ng hangin sa gilid ng mukha ko kaya dali-dali akong umatras ng bahagya at sinangga ang isang paa na nagbabadyang tumama sa maganda kong mukha. Alam kong marami ang naririto base sa hiningang naririnig ko. Mahina man iyon para sa kanila pero kumpara sa akin, para na itong binulong sa tenga ko. Nakikiramdam pa rin ako hanggang sa isang iglap hawak ko na ang kamay ng taong ito at dali-dali ko iyong inikot papunta sa likuran niya. Napa daing siya sa sakit. Mukhang hindi praktisado ang mga ito o mas magaling lang talaga ako ,-- .Hawak ko lang siya gamit ang isang kamay ko pero mukhang di na niya ito matatakasan. Naramdaman ko ang biglaang paglusob ng ilan. Yumuko ako upang iwasan ang sipa, tumagilid at gumulong. Damn, di bagay sa outfit ko tong ginagawa ko. Nakapang manang pa naman ako. Di bale na, magaling ako kaya kahit anong suotin ko wala parin silang laban. Sangga at iwas lang ang ginagawa ko dahil baka mapatay ko pa ang mga ito na halatang walang alam sa ginagawa. Alam kong pinatay lang ang ilaw dahil bukas naman ang nasa hallway kaya tumalon ako papunta sa likod ng isang...di ko alam kung tao pero katawan naman niya tao ,-- . Hindi ko man kita ang naririto ay nararamdaman ko naman. Pumunta ako sa switch ng ilaw at...
"CONGRATULATIONS!" kasabay ng pagbukas ng ilaw at pag patunog ng confetti, ay ang sigaw nilang lahat.
"Ah" mukhang may ideya na ako kanina pa.
"Congratulations Ayzhia" bulong ni Aria sa akin bago ako binigyan ng wine. Kinindatan din siya ng iba.
"Nice work, Aria" bati ng boss naming si Ms. Yezha. "Keep it up. Gonna send you on hard missions soon" at kinindatan si Aria. Nag peace sign muna siya sa akin bago nagpaalam na aalis saglit.
Nakita ko iyong lalaking hinahawakan ang braso niya.
"Ang hihina. Parang mga bata sa kalye lang, Yezha" ngumisi ako. "Ni hindi nga ako mahawakan, eh"
Kahit boss namin siya ay mas gusto niyang tinatawag namin siya sa pangalan niya. Nakakabata daw. Kung magaling ako, sobrang galing din nitong kaharap ko. Napaka galing magtago ng katauhan. Mala anghel ang mukha niya. Napaka kinis at di makikitaan ng anumang galos. Maliit ang brown nitong buhok na hanggang baba at may natural na kulay berde na mga mata. Matangkad at napaka hinhin gumalaw pero sa bakbakan, parang hangin kong dumaan.
"Tsh. It's not me who planned this" sinabi niya iyon bago nilagok ang inuming nasa baso. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mm?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ayaw niya dawng masaktan ka kaya pinili niya iyong mga naka assign sa computer." niya? sino ang taong to, at naglaan pa talaga ng oras para paglaanan ako ng orsa? "Hey!" sumigaw siya habang may tinatawag sa likuran ko. "Ayzhia, meet..." lumingon ako at halos maduling ako sa sobrang lapit ng lalaki sa harapan ko. "Ian Axel" dagdag pa ni Yezha. Ano daw? Ian A-axel? Napaatras ako at napanganga.
"Long time no see, Hawe" is this real? Paano nangyari to? Paano siya nakapasok dito? Paano?!
"Greet him, Ayzhia. He's one of the best agent" best agent? Papaanong di ko nalaman? "Oh, and...kung nag iisip ka kung bakit di mo nalaman, eh, ayaw niyang ipasabi sa iba kaya nagtataka nga ako kung bakit pumayag na siya ngayon" patuloy pa rin siya sa pagsasalita habang di pa rin matanggal ang tingin ko kay Ian. Kung ganun, mas matagal na siyang ng nagtatrabaho dito kumpara sa akin?
"Are you gonna stare at me all day..." ngumiti siya ."Couz?" tumikhim ako bago pormal na tumayo.
"Tsh. You've been here all the time, hmm." natawa siya sa reaksiyon ko.
Lagi siyang wala dati at di ko pa alam kung anong mga racket racket ang pinagsasa sabi niya pero ngayong mukhang alam ko na.
"Mm" pagsang-ayon niya tsaka siya humalakhak.
Pinagsabihan ko siya na sa susunod, magagaling naman sana yung ipalaban niya sa akin. Nasasayang oras ko eh eh kaso pinipilit niya na ayaw niya daw akong masaktan. Palibhasa, di pa niya nakikita ang kakayahan ng isang Ayzhia. Kinuwento niya rin sa akin na kailangan niyang umiwas sa amin noon para malayo kami sa kapahamakan at sang ayon naman ako roon kaya nga mas pinili kong iwanan ako ng mahal ko dahil ayaw ko ring mapahamak siya.
To be Continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/247086477-288-k106432.jpg)