Chapter 1

7 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Supermarket habang namimili ng mga kakailanganin ko.

Hay,malapit na palang magpasukan sa school.

Dito ko sa Manila naisipang magkolehiyo dahil hanggang senior high lang ang school na meron sa probinsiya namin.

Buti na lang pala habang bakasyon ay nagtrabaho ako at dahil dun ay may naipon ako para sa mga kakailanganin ko sa school at pati na rin sa rerentahan ko.

Nabalitaan ko kasing may malapit na dorm sa school na papasukan ko kaya naghanda agad ako ng pera para dun.

Mabuti na rin 'yon para hindi na ko mamasahe pa.

Natigil ako sa pag-iisip dahil naramdaman kong may humawak sa bewang ko mula sa likod ko.

Nakaramdam ako ng takot dahil baka holdapin niya ko.

Wag naman sana.

"S-sino ka? A-anong gagawin mo sakin?"

"Relax,miss.May tagos ka" bulong nito sakin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad kong tiningnan ang pang-upo ko.

Shet naman talaga oh.Puti pa naman yung pants ko kaya halatang-halata talaga yung tagos ko.

Hindi ko naman kasi alam na magkakaroon pala ko ngayon.

Hiyang-hiya ako pero kailangan kong humingi ng tulong sa kaniya.

"Pwede bang...pakihatid ako sa cr?" hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil nahihiya talaga ko.

Feeling ko nga,pulang-pula na ang mukha ko ngayon.

"Sure.Tara"

Nagsimula na kaming maglakad habang siya ay nakahawak pa rin sa bewang ko para hindi makita yung tagos ko.

Naiilang man ay wala na kong magagawa.

Pasalamat na lang ako dahil siya ang mismong lumapit sakin.

Isa pa,mukha naman talaga siyang mabait.

Shet! Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya mas lalo pa akong napayuko para itago ang mukha kong namumula.

Agad akong pumasok sa cr at ini-lock ang pinto.

Nakakahiya talaga!

Napasabunot ako sa buhok ko ng maalala kong hindi pa pala ko nakakabili ng napkin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.Akala ko umalis na siya pero nandito pa rin pala siya sa labas.

"Ahm...Alam kong sobra na 'to pero pwede bang pakibili ako?"

May ipinakita siyang isang supot na may lamang napkins.

"Bumili na agad ako kasi alam kong kakailanganin mo.Here" nakangiti niyang sabi sakin.

Tinanggap ko ito at saka nagpasalamat.

Babayaran ko pa dapat siya pero may tumawag sa kaniya.

Nagpaalam siya sakin bago siya umalis kasama ang isang magandang babae.

Girlfriend niya siguro.Sayang.

Hay,bakit ba ko nanghihinayang sa kaniya? Ang bait kasi tapos ang gwapo pa.

Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong hayss.

Matapos kong tapalan ang dapat tapalan ay lumabas na ko.

Hinanap ko ang cart na pinaglagyan ko ng mga bibilhin ko at nakita ko naman agad ito.

Nagpatuloy na ko sa paghahanap ng mga bibilhin ko.Umuwi rin ako agad dahil marami pa kong aasikasuhin sa apartment.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon