Chapter 20

4 1 0
                                        

Jungkook's POV
Tatlong araw kaming hindi nagpansinan ni Lexie.

Namimiss ko na siya pero nanatili pa rin'g mataas ang pride ko.

Alam ko namang mali ako sa sinabi ko sa kaniya.

Hindi siya gano'ng klase ng babae.

Pero may mali din naman siya.

Nakipagkita siya kay Tim kahit na labag sa kalooban ko.

Hindi ko siya pinayagan pero sumama pa rin siya sa lalaking yun at ang mas masaklap pa,nakita kong magkayakap sila.

Hay,hindi ko na siya kayang tiisin.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap siya.

Nasa Kusina siya,nagluluto ng agahan namin.

Nang makalapit ako sa kaniya ay niyakap ko siya mula sa likuran.

"I miss you so much,mahal" mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.

"Wag mo nga 'kong yakapin,nagluluto ako" mataray niyang sabi sakin.

"Ayaw.Yayakapin kita hangga't gusto ko" Hindi na siya umimik.

"Mahal,sorry sa nasabi ko sayo.Hindi ko naman yun sinasadya,nagselos lang talaga ako" Hindi niya pa rin ako iniimik kaya nagpatuloy ako.

"Ikaw naman kase,sumama ka pa dun sa lalaki mo" Tinigil niya ang ginagawa niya at tumitig sakin ng masama.

"Sinisisi mo ba ko?!" pagalit niyang tanong.

"Joke lang,mahal.Di ka mabiro.Ano? Bati na tayo?"

"Bati mo mukha mo" mataray niyang sabi.

"Mahal naman eh" Yayakapin ko ulit sana siya pero pinigilan niya ko.

"Tigil-tigilan mo muna ko,Jungkook"

"Jungkook?" nakangusong tanong ko sa kaniya.

"Oo,Jungkook" Hanep! Inulit pa.

"Isa pang tawag mo sakin ng Jungkook,hahalikan na talaga kita" Tumahimik naman siya agad.

Sabay kaming tahimik na nag-almusal.

Ako na ang unang nagsalita dahil alam kong hindi naman siya iimik kung hindi siya kakausapin.

"Mahal" tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Galit ka pa rin ba sakin?" tanong ko.

"Ewan ko" walang interes na sabi niya.

"Mahal naman,sorry na.Alam ko namang hindi ka ganun"

"Hindi ano?"

"Eh ayoko ng ulitin.Mahal,nasabi ko lang naman yun dahil nagselos ako.Nakita ko kase kayo na magkayakap ni Tim"

"Baket kase 'di mo muna ko pinagpaliwanag?" tanong niya naman.

"Dahil natatakot ako na baka may masabi akong masama sayo"

"May nasabi ka na" aniya.

"Kaya nga humihingi ako ng tawad sayo.Teka,bakit ka nga pala nakipagkita sa Tim na yun?" may bahid pa rin ng selos ang pananalita ko ng banggitin ko ang pangalan ni Tim.

"Nung uwian niya ko niyaya para makapag-usap kami ng masinsinan" simula niya.

"Sumama ka naman"

"Patapusin mo muna ko" sabi niya at saka nagpatuloy.

"Sumama ako sa kaniya para sabihin na tumigil na siya sa panliligaw sakin.Isa pa,wala ka ng dapat ikaselos dahil niligawan niya lang ako kase nakikita niya sakin yung ex-girlfriend niya" mahabang paliwanag niya.

"Gago yun ah.Buti na lang pala ako ang pinili mo saming dalawa"

"Si Sammy yung ex-girlfriend niya at alam kong ex mo rin yung babaeng yun,first love mo pa nga.Ikaw ba? Kaya mo lang ba ko niligawan dahil may pagkakatulad kami ni Sammy?" prankang tanong niya sa akin.

"Hindi.Niligawan kita kase mahal kita kaya wag mo kong itutulad sa rason nung gagong si Tim"

"Mabuti ng malinaw" mataray niyang sabi.

"Teka,nagseselos ka ba?"

"Hindi.Bakit naman ako magseselos" tanggi niya.

"Nagseselos ka eh"

"Tss.Wag mo na nga kong asarin" tinarayan niya pa ko kaya tinawanan ko na lang siya.

"Ano mahal? Bati na ba tayo?" tanong ko.

"Oo na,para namang matitiis kita" Napangiti ako at saka siya muling niyakap.

"Mahal na mahal kita" malambing kong sabi sa kaniya.

"Mahal na mahal din kita,Jungkook" pinagkadiinan niya pa ang pagbanggit sa pangalan ko.

"Jungkook pala ah,lagot ka saken" Tumakbo siya kaya agad ko siyang hinabol.

Nang maabutan ko siya ay tinulak ko siya sa sofa at pinaibabawan.

"A-ano ba Jungkook"

"Hinahamon mo ba talaga 'ko ha babae"

"C-cookies,ano ba" nauutal-utal niyang sabi kaya pinigil ko ang matawa at mas tinitigan pa ang mukha niya.

"Lalo kang gumaganda,mahal" Hinawi ko pa ang buhok niyang humaharang sa mala-anghel at inosente niyang mukha.

"A-alam ko.Pwede ka na bang u-umalis diyan sa pwesto mo?" Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kaniya kaya napasinghap siya.

"Pano kung ayoko?" pang-aasar ko sa kaniya.

"H-hindi ako komportable eh" pagdadahilan niya.

"Hindi ka komportable sakin?"

"Hindi sayo.Sa posisyon natin,hindi ako komportable"

Lalo ko pang pinigilan ang sarili kong matawa ng unti-unti ko ng inilapit sa kaniya ang mukha ko at hindi pa man nagdadampi ang mga labi namin ay napapikit na siya.

Hinalikan ko ang noo niya at saka ako tumayo.

Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko ng makitang nadismaya siya sa ginawa ko.

Nabitin pa yata siya.

"Hahaha gusto mo talaga ng halik ko 'no"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Nakakainis ka!" bulyaw niya sakin kaya mas lalo ko pa siyang pinagtawanan.

Nabigla ako ng suntukin niya ang braso ko.

"Aray! Mahal,bakit ang lakas mo sumuntok? Babae ka ba talaga?" Napahawak ako sa braso ko.

"Gusto mo isa pa?" Inambahan niya pa 'ko bago siya umalis.

Pikunin talaga yung babae na yun.

Pero kahit ganun siya ay mahal na mahal ko pa rin siya.

At kahit kailan ay hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Siya na ang huling babaeng mamahalin ko.

Ipinapangako ko 'yan.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon