Chapter 13

3 1 0
                                    

Nandito kami sa isang mamahaling restaurant ni Tim.

Mag-iisang linggo na kaming nagde-date.

"Lexie" Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako sa mga mata niya.

"Hmm?"

"Kailan mo ko sasagutin?" Natahimik ako sa tanong niya.

Sa totoo lang,hindi ko talaga alam kung kailan ko ba siya sasagutin.

Oo,masaya siyang kasama pero parang may kulang eh.

"Okay lang kung hindi mo pa ko kayang sagutin ngayon" ngumiti siya sakin pero alam kong pilit lang 'yon.

"Sorry" napapahiyang sabi ko sa kaniya.

"No,it's okay.Kaya ko pa namang hintayin ang araw na yun,ang araw na maririnig ko ang matamis mong oo" muli siyang ngumiti sakin kaya gumanti din ako ng ngiti sa kaniya.

Matapos naming kumain ay hinatid na niya ko sa dorm.

8:00 pm na pala.Nagtaka ako dahil pagkapasok ko ay naka-off ang lahat ng ilaw.

Umalis kaya si Cookies?

Nagulat ako ng biglang may humablot sakin at tinulak ako sa pader.

Hinarang niya pa ang kamay niya para i-corner ako.

Naaninag ko ang mukha niya dahil sa kaunting liwanag na galing sa buwan.

"C-cookies?" bigla akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit.

Napasinghap ako ng ilapit niya pa ang mukha niya sakin.

"Anong oras ka na naman umuwi ah"

Amoy alak ang hininga niya.Bakit kaya siya naglasing?

"O-oo" kinakabahang sabi ko.

"At sino na naman yung kasama mo? Yung lalaking asungot na yun? Pwede bang wag ka ng sumama sa kaniya" galit ang tono ng pananalita niya.

"Ano na naman bang problema mo?!" Hindi ko napigilan ang pagtaasan rin siya ng boses.

Nakakainis siya!

"Yung lalaking yun! Alam mo ng nagseselos ako,lumalapit ka pa rin sa kaniya!" singhal niya sakin.

"Alam mo,hindi kita maintindihan eh.Ang mabuti pa,bukas na lang tayo mag-usap"

Aalis na dapat ako pero muli niya kong tinulak sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong halikan kaya sa sobrang pagkabigla ay nasampal ko siya.

"Lexie! Bumalik ka dito.Hindi pa tayo tapos mag-usap!" rinig kong sabi niya matapos kong umalis pero hindi ko na siya nilingon pa.

Dire-diretso akong nagtungo sa kwarto.

Nahiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Napahawak ako sa dibdib ko.Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko hindi na ko makahinga kaya naman kumuha ako ng tubig na nakapatong sa bedside table at dali-dali itong tinungga.

Ngunit hindi man lang kumalma ang puso ko.

Naririnig ko pa ang bawat pagtibok nito sa sobrang lakas.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa kinahihigaan ko.

Itutulog ko na lang 'to.

Tama,itulog mo na lang yan Lexie.

Ilang saglit pa lang akong nakapikit ay muli akong nagmulat.

Bumabalik sa isipan ko ang ginawang paghalik sakin ni Cookies.

At hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi sa labi ko.

Hay,mukhang hindi na naman ako makakatulog ng maayos nito.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon