Lexie's POV
Wala ng pasok ngayon dahil bakasyon na.
Ngunit hindi ko ito ramdam,hindi ko na kase nakakasama ng matagal si Cookies.
Oo nga't nakatira kami sa iisang bubong pero nagkikita lang kami tuwing umaga.
Umaalis kase si Cookies after lunch time tapos uuwi siya maggagabi na kaya hindi na talaga kami nagkakasama ng matagal.
Dalawang araw na niya iyon'g ginagawa.
Gusto kong magreklamo pero baka isipin niyang immature ako kaya hinahayaan ko na lang siya.
At isa pa ay may tiwala ako sa kaniya.Hindi niya ako ipagpapalit sa iba.
Tinanong ko na si Lina kung saan nagpupunta ang Kuya niya pero gaya ko ay wala rin siyang ideya.
Alas kwatro ng hapon ay umuwi na si Cookies.
"Himala,ang aga mo yatang nakauwi ngayon" nagtatakang sabi ko.
"Ah k-kase yung ano ko,yung kaibigan ko ano eh" napapakamot sa ulong sabi niya.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag.Sige na,
magpahinga ka na muna" pilit akong ngumiti sa kaniya.
"Mahal,sorry" Kunot-noo akong napalingon sa kaniya.
"Bakit ka nag so-sorry? May kasalanan ka ba?"
"Wala,mahal.Namimiss na kase kita"
"Kung namimiss mo talaga ako,bakit mas inuuna mo pa'ng samahan yung mga kaibigan mo kaysa saken?!" ito sana ang sasabihin ko kaso ayaw kong magtalo kami.
"Sige na,pahinga ka na" sabi ko at bumalik sa higaan ko para mag cellphone.
Ang totoo ay excuse ko lang itong cellphone ko para umalis na siya naiiyak na naman kase ako.
Hay,bakit ba kase ang babaw ng luha ko?!
Inaasahan kong aalis na siya dito sa kwarto pero hindi niya iyon ginawa.
Naramdaman kong tumabi siya sakin pero nagkunyarian ako na hindi ko siya napansin.
"Mahal,sorry talaga.Alam kong nagtatampo ka na sakin kase mas pinipili ko pang samahan yung mga kaibigan ko"
"Alam mo naman pala eh bakit sa kanila ka pa rin sumasama?!" Pinigilan ko ang sarili kong masabi 'to.
Lexie,kaya mo yan.Pahabain mo pa ang pasensya mo para sa kaniya.
"Pero alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba?"
Nagpatuloy ako sa paglalaro ng games sa cellphone ko at nagkunyarian akong hindi siya naririnig.
"Mahal,nakikinig ka ba sakin? Mahal?"
Bahala ka diyan,kausapin mo sarili mo!
"Mahal naman eh.Akin na nga 'yan" Inagaw niya sakin yung cellphone ko.
"Ano ba! Naglalaro ako,istorbo ka" Natigilan siya sa sinabi ko.
"Anong sabi mo? Istorbo ako?" Sumeryoso bigla ang mukha niya.
"Ang kulit mo kase.Akin na nga yan" Padabog niyang inilapag ang cellphone ko sa side table.
"Ano bang problema mo" Shit.Nauubusan na ko ng pasensya!
"Oh ayan na.Simula ngayon,hindi na kita iistorbohin" Lumabas siya at padabog na sinara ang pinto.
Ang tanga ko talaga.Bakit ko ba kase sinabi 'yon?
Hay,ako dapat yung nagtatampo ngayon pero ang ending siya ang nagtatampo sakin.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration na nararamdaman.
Tumayo ako at sinundan siya.Palabas na siya ng bahay kaya hinila ko ang braso.
"Hoy,saan ka pupunta? Ano? Doon ka na naman sa mga kabarkada mo? Sige.Go lang! Happy ka dun diba habang ako dito,dalawang araw ng nangungulila sayo.Sige na,umalis ka na!" I tried my best para hindi tumulo ang mga luha ko at napigilan ko naman ito.
"Diba,istorbo ako sayo? Sige na,maglaro ka na dun sa kwarto mo.Hindi na kita iistorbohin" Tinalikuran niya ako.
"Sige,umalis ka lang.Ipagpatuloy mo lang 'yan.Mula ngayon,aalisin na rin kita sa buhay ko!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko kaya tinalikuran ko na rin siya.
Naramdaman kong hinawakan niya ko sa braso pero nagpumiglas ako.
"Bitiwan mo ko!" singhal ko sa kaniya.
"Mahal,ayaw ko.Please,mag-usap tayo.Anong ibig mong sabihin na a-aalisin mo na ko sa buhay mo?"
Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko siya hinarap.
Kumirot ang puso ko ng makita kong nangingilid na ang luha niya kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Masaya ka naman dun sa barkada mo kaya sige na,palalayain na kita.Dun ka masaya eh diba?"
"Mahal,hindi.Ayaw ko.Sige na,hindi na ko sasama sa kanila basta wag mo lang akong iwan" Niyakap niya ko ng mahigpit kaya hinayaan ko na lang siya.
"Nakakainis ka kase! Ilang araw kong hinanap-hanap yung mga yakap mo.Sobra akong nangulila sayo,kung alam mo lang tapos ikaw nagpapakasaya lang kasama nung mga tropa mo! Nakakainis ka!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya at tinanggap niya lang iyon.
"I'm sorry,mahal.Kailangan ko kasing gawin yun eh" Humina ang boses niya kaya hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Ano?"
"W-wala,mahal.Bawiin mo na yung sinabi mo kanina.Ang sakit kaya nun" nakangusong sabi niya.
"Opo,binabawi ko na yung sinabi ko kanina"
"Ipangako mo rin sakin na kahit anong mangyari,hindi mo na ko papaalisin sa buhay mo.Akin ka lang dapat,mahal"
Tumango-tango ako.
"I promise,sayong-sayo lang ako Cookies"
Oo,ako na.Ako na ang marupok.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
