Chapter 6

3 1 0
                                    

Simula na ng pasukan ngayon sa school at nalaman kong schoolmate pala kami ni Cookies.

Kaya naman,napag-usapan naming sabay na kaming papasok araw araw.

Nandito na kami sa school,pareho kaming naglakad papunta rito dahil malapit lang naman ito sa dorm namin.

Hindi kami magkaklase kaya nalungkot ako ng konti lang naman dahil wala akong kakilala ni isa sa mga kaklase ko at ayokong makipagkaibigan.

Gaya nga nung unang sinabi ko hindi ko kailangan nun.

Pero nakipagkaibigan ako kay Cookies.

Sa totoo lang,hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakipagkaibigan sa kaniya pero hindi ko naman pinagsisisihan ang bagay na yun.

Pero sana nga ay hindi ko pagsisihan sa huli.

Sana iba siya sa mga nakilala ko noon,na akala ko ay tunay pero sa huli ay lalabas din pala ang totoong kulay.

Pekeng kaibigan.Tsk.

Pero at least,may nakakausap ako.

Nasa kani-kaniya na kami ng classroom at hinihintay na lang namin ang teacher.

Ilang saglit pa'y dumating na ito at bumati naman kami sa kaniya.

"Introduce yourselves in front" sabi ni Mr.Pacheco,ang adviser namin.

Hay,ano pa nga bang inaasahan kong mangyayari eh ganito naman lagi tuwing first day of class.

Nagpakilala na ang lahat hanggang sa matapos na at bago pa makapagsalita si Sir ay may biglang kumatok sa pinto,binuksan naman ito ni Sir.

"Transferee ka ba?" tanong sa kaniya ni Sir.

"Yes,sir"

"Magpakilala ka sa harapan"

Sinunod naman nung lalaki ang sinabi ni Sir.

"Hello,I'm Timothy Creswell.Just call me Tim.It's nice to meet you all" aniya.

Teka,naaalala ko siya.

Siya yung lalaki kahapon sa mall na naghatid sakin sa dorm.

Sa bandang likuran ako nakaupo at dahil bakante ang katabi kong upuan ay dun siya naupo.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makapag-focus sa sinasabi ni Sir sa harapan pero okay lang naman dahil dinidiscuss niya lang ang rules & regulations dito sa school.

Pasimple akong sumusulyap-sulyap sa katabi ko.

Grabe,ang gwapo rin ng isang 'to.

Ang puti niya rin kagaya ni Cookies.

Tapos mukha rin siyang mabait kagaya ni Cookies.

Teka,bakit ko ba sila pinagkukumpara?

"Gwapo ba ko?" Nabigla ako sa tanong niya at nang tignan ko siya ay diretso pa rin ang tingin niya kay Sir Pacheco.

"H-ha?"

Ngumiti muna siya bago ako nilingon.

"Gwapo ba ko?" muli niyang tanong.

"E-ewan ko" hindi makatinging sabi ko sa kaniya.

Nahuli niya yata akong tumitingin sa kaniya kanina.

"Napansin ko kasing kanina mo pa inoobserbahan ang mukha ko.So,ano? Gwapo ba?"

"Ahh..." wala akong maisagot sa kaniya.

Nakakahiya,nahuli niya nga ko.

Ngumiti na lang siya sakin at ibinalik na niya ang tingin niya sa prof namin.

LUNCH TIME.
Pumunta ako sa Cafeteria at hinintay doon si Cookies dahil sabay kaming magla-lunch.

Ang tagal niya,kanina ko pa siya hinihintay dito.

"Pwede ba kong makiupo?" tanong ni Tim sakin.

"Sige lang" pagpayag ko.

Tatlo naman ang upuan kaya may uupuan pa si Cookies at isa pa ay hindi ko naman pagmamay-ari ang table na ito kaya kahit sino ay pwedeng umupo dito.

Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko pa rin siya nakita.

"May hinihintay ka ba?" tanong niya.

"Oo" maikling sagot ko.

"Sino? Boyfriend mo?"

"Wala kong boyfriend"

"Ah ganun ba,buti naman" Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil masiyado itong mahina pero hindi na ko nagtanong pa kung ano yon.

Maya-maya pa'y nag-vibrate ang phone ko.May nagtext pala.

From:Cookies
Sorry,hindi na ko makakasabay sayong mag-lunch.Kumain ka na ha,eat well:)

Nadismaya ako sa text niya at parang bumigat ang pakiramdam ko.

Ngayon ko lang siya hindi makakasabay kumain pero hindi ko alam kung bakit ang laki ng epekto nun sakin.

Nagpaalam ako kay ano nga bang pangalan nito.

Hay,madali talaga kong makalimot ng pangalan.

Bumili na ko ng pagkain at bumalik sa inuupuan ko kanina para kumain.

"Akala ko ba may hihintayin ka pa?" tanong niya sakin.

"Hindi na daw siya darating eh"

"Ganun ba.By the way,I'm Tim.And you are?" Inilahad niya pa ang kamay niya.

"Lexie" Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad.

Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming bumalik sa room.

Alas tres ng hapon ang uwian namin pero ala una palang ay pinauwi na kami.

Hindi ko na hinintay si Cookies dahil nagtext siyang wag ko na daw siyang hintayin pero hindi niya sinabi ang dahilan.

Mas lalo pa tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

Bakit ko ba ganito ang nararamdaman ko?

Umuwi akong mag-isa at nang mag-alas kwatro ay pumunta na ko sa Coffee shop para magtrabaho.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon