Lexie's POV
Pagkagising ko palang ay ang dami ng missed calls and text messages ni Cookies sakin.Nailibing na si Lolo kahapon pa at halos isang linggo na akong nandirito sa probinsiya.
Nang muli siyang tumawag ay sinagot ko na ito.
"Hello"
"Morning,mahal.Miss na miss na kita"
"Saan ka?" tanong ko.
"Mahal naman" parang nagtatampo niyang sabi.
"Bakit?"
"Hindi mo man lang ba ko na-miss?" Kung kaharap ko siya ngayon malamang nakanguso na siya.
"Siyempre,miss na kita"
"Miss lang? Ako kase sobrang miss na miss na miss na kita" bigay na bigay na sabi niya.
"Saan ka? Nasa school ka na ba?"
"Oo!" pasigaw niyang sabi.
"Galit ka ba?"
"Hindi!"
"Bakit ka sumisigaw?"
"Baka lang hindi mo 'ko naririnig kase maingay dito" palusot niya.
"Tss.Ewan ko sayo,ibababa ko na 'to"
"Mamaya na" pigil niya sakin.
"Gusto pa kitang makausap eh" dagdag pa niya
"Anak" tawag sakin ni Nanay.
"Saglit lang po 'Nay.Cookies,
mamaya na lang ulit tinatawag na ko ni Nanay eh""Sige mahal,I lo---" Pinatay ko na ang tawag at saka pumunta sa kinaroroonan ni Nanay.
"Bakit po Nay?" tanong ko sa kaniya.
"May kailangan akong sabihin sayo.Halika,maupo ka dito" Umupo naman ako sa tabi niya.
"Anak,ayos lang ba sa iyo kung mag-aasawa ulit ang Nanay?" tanong niya.
"Ayos lang naman po sakin,Nay.
Basta dapat yung mapang-asawa ninyo yung mabait,masipag at higit sa lahat hinding-hinding kayo sasaktan"Matagal ng namatay ang Tatay ko.
Walong taong gulang pa lang ako ng mamatay siya kaya,wala ng kaso sakin kung mag-aasawang muli si Nanay.
Nakangiti niyang hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Salamat,anak.Mamaya lang ay makikilala mo na siya" sabi pa niya.
Kinahapunan ay dumating nga ang lalaking tinutukoy ni Nanay.
"Anak,siya nga pala ang sinasabi ko sayong mapapang-asawa ko.
Dan,she's Lexie,my daughter""Hello po" bati ko rito.
"Hi,I'm Jeon Danwoo.Soon to be your mother's husband" Ay iba rin bumanat yung mapapang-asawa ni Nanay.
"Nice to meet you,Mr.Jeon" nakipagkamay pa ko sa kaniya.
"Tito Dan na lang ang itawag mo sakin" Namangha ako dahil fluent siya sa wikang Filipino.
"Okay po,Tito Dan.Siya nga po pala,may kamag-anak po ba kayo na nandirito sa Pinas? May kakilala po kasi ako na kaapelyido niyo"
"Meron akong anak na dito na nakatira sa Pinas" Biglang may umusbong na kaba sa dibdib ko.
"J-jeon Jungkook po ba ang name ng anak niyo?" Tumango ito kaya nanghina ako.
"Siya nga ang anak ko.Magkakilala na ba kayo?" tanong nito.
Pinilit ko ang sarili kong magsalita kahit nahihirapan ako dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"Opo,k-kaibigan ko po siya"
Marami pa siyang sinabi sakin ngunit hindi ko naman ito naintindihan.
Hanggang sa makaalis si Tito Dan ay tulala pa rin ako.
Kung anak siya ni Tito Dan at ikakasal sila ni Nanay ay hindi pwede maging kami ni Jungkook.
Magiging magkapatid kami.
Masakit.Pero iyon ang reyalidad na dapat naming tanggapin.
Nalaman ko rin kay Nanay na sa susunod na taon na daw ang kasal nila at sinabi rin ni Tito Dan na isasama daw niya kaming dalawa ni Inay sa bahay nito para ipakilala sa mga anak niya.
Tiyak na magkikita kaming dalawa.
Nagdaan pa ang ilang araw bago ako nakapagdesisyon.
Kailangan kong hiwalayan si Jungkook hangga't maaga pa.
Alam ko at nakikita ko kay Inay na mahal na mahal niya talaga si Tito Dan at gusto niya itong pakasalan kaya para sa kagustuhan ng aking ina ay handa akong isakripisyo ang kasiyahan ko,para sa kaniya.
Kahit masakit ay gagawin ko.
Humugot muna ko ng malalim na hininga bago ko kinuha ang phone ko.
Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kaniya ng harapan kaya idinaan ko na lang sa text message ang lahat ng sasabihin ko sa kaniya.
Jungkook's POV
Ilang araw ko ng tinatawagan at tinetext si Lexie pero hindi niya man lang ito napapansin o sadyang hindi niya lang talaga pinapansin.Nakakalungkot.Nakakapanghina.Pero umaasa pa rin akong isang araw ay babalik siya dito sa Dorm.
Nag-beep ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.
Abot langit ang ngiti ko ng makitang nagtext na siya kaya agad ko itong binasa.
From:Mahal
Jungkook,maraming salamat sa lahat pero hanggang dito na lang siguro tayo.Ayoko na.
Maghiwalay na tayo.Wala sa sarili akong napaupo.
Mas lalo lang akong nanghina ng mabasa ko ang text message niya.
Agad ko siyang tinawagan.
Nakatatlong ring muna bago niya ito sinagot.
"Mahal naman,ano ba yung pinagsasasabi mo dun sa text" sabi ko agad sa kaniya.
Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.
"Seryoso ako dun,maghiwalay na tayo"
"Anong hiwalay? Walang maghihiwalay.Umuwi ka na dito,miss na miss na kita"
"Ayoko na nga.Kahit kailan hindi na ko uuwi diyan dahil hiwalay na tayo" parang naiinis pang sabi niya.
"Hindi pa ko pumapayag.Ayoko,hindi tayo maghihiwalay"
"Hindi ka ba talaga makaintindi?! Ayoko na nga"
Umiling-iling ako kahit hindi niya nakikita.
"Ayoko.Ano bang dahilan? Bakit nagkakaganiyan ka? Sa pagkakaalam ko,maayos naman tayo nung nandito ka pa"
"Nagsasawa na ko"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Pero kahit ganun ay ayoko pa ring maniwala sa sinasabi niya.
"Nagsasawa? Hindi pa nga tayo nagtatagal,sawa ka na.Hindi.
Hindi ako naniniwala diyan sa sinasabi mo""Kung ayaw mong maniwala edi wag.Bahala ka na sa buhay mo!" sigaw niya bago pinatay ang linya.
Pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Siguro dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Ang sakit.Bakit mo ba 'to ginagawa sakin Lexie?
Ngunit sa kabila ng lahat ng sinabi niya ay nagawa ko pa rin siyang i-text.
Umaasa pa rin ako.
Umaasang hindi totoo ang mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.