Chapter 34

1 1 0
                                    

Lexie's POV
Nagising ako sa ingay na nanggagaling mula sa labas.

"Elicia! Elicia,alam kong nandiyan ka.Please,mag-usap tayo" rinig kong sigaw ng kung sinuman.

Pamilyar ang boses nito sakin.Si Tito Dan!

Bumangon na ako at lumabas.

Nakita kong binuksan ni Inay ang pintuan upang harapin si Tito Dan.

"Wife" halatang nananabik siya kay Inay.

Hay,bigla ko tuloy naisip si Cookies.Nananabik din kaya siya sakin?

Buti pa,wag na lang akong mag-isip ng kung ano-ano.

Mahal ako ni Cookies kaya kahit magkalayo man kami ay alam kong ako pa rin ang laman ng puso niya.

Yumakap agad si Tito Dan kay Nanay ng pagbuksan siya nito.

"Bitiwan mo ko" nagpupumiglas si Inay,bumitaw naman sa pagkakayakap si Tito Dan kahit halata sa mga mata nitong nasaktan siya sa sinabi ni Nanay.

"Wife,please let's talk" sumeryoso ang mukha ni Tito Dan.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya umalis ka na" pagtataboy sa kaniya ni Inay.

"No.Hindi ako aalis dito hangga't di tayo nagkakausap" desperadong sabi ni Tito Dan.

"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng lalaking manloloko sa buhay ko!" galit ngunit maluha-luhang sabi ni Nanay.

"Please,please pakinggan mo muna ko.Please?"

"Sige,pagbibigyan kita.Pero pagkatapos ng pag-uusap na 'to ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo"

Umalis muna ko para magkaroon sila ng privacy.

Kinuha ko ang cellphone ko.

Nakita ko ang texts and missed calls sakin ni Cookies.

Binuksan ko muna ang mga texts niya.

From Cookies:
Miss na miss na kita mahal ko.Ingat ka diyan ha.Wag manlalalake,dapat ako lang.I love you♡

From Cookies:
Good morning,mahal.Kumain ka na po ha.Mahal na mahal kita.

From Cookies:
Sobrang lungkot ko ngayon mahal.Akala ko kase nandito ka na sa tabi ko pero sa panaginip ko lang pala nangyari yun.I miss you so much:(

Hindi ko na natuloy ang pagbabasa ng mga texts niya dahil tumawag siyang muli kaya sinagot ko agad ito.

"Good morning mahal" boses palang niya ay tumibok na ng mabilis ang puso ko.

Grabe talaga yung epekto sakin ng lalaking ito.

"Good morning din" malambing na bati ko rin sa kaniya.

"Kumusta ka diyan mahal? Ako pa rin ba?" Natawa ako sa huli niyang tinanong.

"Ano ka ba Cookies,siyempre ikaw pa rin.Ikaw naman palagi" nakangiting sabi ko.

"Mahal na mahal mo talaga ko 'no? Gusto tuloy kitang yakapin ng mahigpit ngayon tapos gusto ko rin'g halikan yung mga labi mo.Sobra na akong nangungulila sa'yo mahal" lumungkot ang tono ng boses niya.

"Tiis-tiis na muna Cookies.Kaya natin 'to.Magtiwala lang tayo sa isa't isa.Atsaka wag ka ng malungkot,nag-uusap naman na tayo diba"

"Iba pa rin pag kaharap kita kase nayayakap kita tapos nahahalikan pa kita" namula ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang manyak mo! Kanino ka natuto ng mga ganiyan"

"Eto naman,manyak agad? Namimiss lang naman kase kita kaya ko nasasabi yun" pagdadahilan niya.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon