Chapter 5

3 1 0
                                    

Nandito ako sa Mall para bumili ng mga gamit na kakailanganin ko sa school,mag-isa lang ako.

Gusto pa nga akong samahan ni Cookies pero sinabi kong wag na lang dahil nakabili naman na siya ng mga kakailanganin niya at hindi naman na siya nagpumilit pa.

Matapos kong bilhin ang lahat ng kailangan ko ay bumili muna ko ng palamig bago ako naglakad palabas ngunit bago pa man ako nakalabas ay may bumangga sakin dahilan para tumilapon ang laman ng bitbit kong paper bag at tumapon sa damit ko ang palamig.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" hindi naitago ang inis na sabi ko sa kaniya.

"Sorry,Miss" tinulungan niya ko sa pagpulot ng mga gamit ko at inilagay ito sa paper bag.

"Here" inabot niya sakin ang paper bag at naramdaman kong parang may kuryenteng dumaloy ng magdikit ang mga kamay namin.

"T-thanks" naiilang na sabi ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papunta sa kung saan.

"Teka! Saan mo ko dadalhin? Bitiwan mo ko" pigil ko sa kaniya.

"Look,Miss.Gusto ko lang mapalitan 'yang damit mo since kasalanan ko naman kung bakit yan nabasa" paliwanag niya.

"G-ganun ba"

Bumuntong-hininga muna siya bago naglakad papunta sa bilihan ng mga damit-pambabae,ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.

"You choose,I'll buy it for you" aniya.

Kumuha na lang ako ng komportableng shirt at pumunta sa fitting room para isuot yun.

"Just one? Nothing more?" tanong niya sakin ng makalabas ako,agad naman akong umiling.

"Wala na.Sige,mauna na ko"

"Wait!" Natigilan ako at muling lumingon sa kaniya.

"Hatid na kita"

"Hindi na.Sige,aalis na ko" paalam ko.

Pagkalabas ko ay sobrang lakas ng ulan at pati na rin ang ihip ng hangin.

Kamalas-malasan pang wala akong masakyan kaya nanatili lang akong nakaupo sa waiting shed.

May humintong hindi pamilyar na sasakyan sa harap ko kaya nagtaka ako.

Bumukas ang bintana nito at nakita ko ang lalaki na nakabanggaan ko kanina.

"Sumakay ka na,ihahatid na kita" aniya.

Hindi na ko nagmatigas pa dahil wala naman na akong masasakyan,sumakay na ako at sinabi ko sa kaniya ang address ko.

Nang makarating sa dorm ay nagpasalamat ako sa kaniya ngunit nagtaka ako ng bumaba din siya at naglabas ng payong.

"Ihahatid na kita sa loob,baka maulanan ka pa" sabi niya kaya hinayaan ko na lang.

Ang gentle man niya.Isa pa naman iyon sa hinahanap ko sa isang lalaki.

"Thank you" muling pagpapasalamat ko,ngumiti lang siya bago nagpaalam.

"See you around,beautiful" kinindatan niya pa ko bago siya umalis kaya nag-init ang pisngi ko.

Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sakin si Cookies.

"Okay ka lang? Hindi ka naulanan?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nagtatanong.

"Hindi naman,ayos lang ako" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Susunduin na nga sana kita eh kaso wala naman akong sariling sasakyan" aniya.

"Okay lang naman ako,may naghatid naman sakin dito"

"Ano?! May naghatid sayo?!" pag-uulit niya sa huling sinabi ko.

"Oo nga,paulit-ulit?" pamimilosopo ko.

"At sino naman? Boyfriend mo?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Wala akong boyfriend.Basta kakilala ko lang yung naghatid sakin" sabi ko na lang.

"Akin na phone mo"

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Basta,akin na" binigay ko naman sa kaniya ang phone ko at inilabas niya rin ang phone niya.

Kinopya niya ang number ko sa phone niya.

"Para hindi kung sino-sino ang naghahatid sayo" sabi niya pa habang nagtitipa at nang matapos ay binalik niya sakin ang phone ko.

"Tumawag ka sakin kapag may kailangan ka o kaya magpapasundo ka"

Tumango-tango ako.

"Opo,Kuya" sarkastikong sabi ko.

Sinamaan niya ko ng tingin kaya tinawanan ko siya.

"Oo na,Cookies"

Hindi na siya naaasar ngayon sa tawag ko sa kaniya,mabuti naman.

Nasanay na rin siguro siyang iyon ang tinatawag ko sa kaniya.

Hay,bukas na pala ang simula ng klase.

Ihahanda ko na nga ang mga gamit ko.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon