Chapter 14

3 1 0
                                    

"Lex?" nabigla pa ko sa pagtawag sakin ni Tim.

"H-ha?" kinakabahan akong napatingin sa kaniya.

"Nakikinig ka ba sakin? Kanina pa kita kinakausap ah" naiinis niyang sabi.

"Sorry,Tim"

"Ano ba kasing nasa isip mo? Nag-de-date tayo pero parang wala ka sa huwisyo.Mas maganda siguro kung umuwi ka na lang"

"Tim naman,sorry na" muli kong hingi ng pasensiya.

"Nawalan na ko ng gana.Umuwi ka na" Nagalit talaga siya sakin.

"Sorry na nga eh,wag ka ng magtampo.Please?" nagpa-cute pa ko sa kaniya kaya sa huli ay nawala din ang tampo niya.

"Tsk.Pasalamat ka cute ka"

"Hehe buti na lang pala cute ako"

Nagdaan ang mga araw pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang paghalik sakin ni Cookies.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin kami nagkakausap dahil panay ang iwas namin sa isa't isa.

Aaminin kong miss na miss ko na ang presensiya niya pero hindi ko naman siya magawang harapin dahil sa tuwing nandiyan siya ay nag-iinit ang pisngi ko.

Yung tungkol naman samin ni Tim,palagi kaming nag-aaway sa mga date namin dahil hindi niya ko nakakausap ng maayos.

Palagi kasi akong tulala at tanging si Cookies lang ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi pa man nagiging kami ay puro away na ang nangyayari.

Pano pa kaya kung naging kami na talaga?

Pero sa mga araw na nakakasama ko siya ay may napansin ako sa sarili ko.

Dati,palagi akong na-e-excite sa tuwing magkikita kami ni Tim pero ngayon parang napipilitan na lang ako sa mga date namin.

Dati,ang saya-saya ko sa tuwing kasama ko si Tim pero hindi na ngayon.

Ang totoo ay mas gusto kong nasa dorm ako kasama si Cookies kaysa lumabas ng bahay.

At para bang napipilitan na lang akong pakisamahan si Tim.

Nagbago ang lahat ng iyon ng dahil kay Cookies.

Nang dahil sa halik niya.

At ngayon,eto nag-de-date na naman kami ni Tim.

Hinihiling ko nga na sana matapos na ang oras na 'to,sana ihatid niya na ko pauwi.

"Hey,are you okay?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"Pwede bang ihatid mo na ko pauwi? Masama ang pakiramdam ko eh"

Ang totoo ay wala talaga ako sa mood makipag-date ngayon kaya nag dahilan na lang ako para makauwi na.

"Sige,ihahatid na kita" pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

Jungkook's POV
Kanina pa ko nakatulala dito sa dorm.

Alam ko ang ginawa ko nung isang gabi kahit na lasing ako.

Hinalikan ko siya.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng marinig ko ang boses niya.

Nang makita kong kasama na naman niya si Tim ay napabusangot ako.

"Bye,girlfriend" paalam pa nito kay Lexie.

A-ano?! Sila na! Parang ang bilis naman yata.

Hindi.Hindi ako papayag na agawin niyang muli ang babaeng nagpapasaya sakin.

Hinayaan ko na siya noon,hindi na ko papayag na maagawan ulit ngayon.

Pagkapasok pa lang ni Lexie ay hinarang ko na siya.

"Let's talk" seryosong sabi ko sa kaniya.

"S-sige" Sandaling katahimikan ang namayani bago ako nagsalita.

"May gusto ka bang itanong?"

"Wala naman"

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nagseselos sa inyo ni Tim?"

"Bakit nga ba?"

"Kase...gusto kita" Natigilan siya sa sinabi ko kaya nagpatuloy na lang ako sa sasabihin ko.

"Wala akong pakiilam kahit may boyfriend ka na or what,gusto ko lang talagang sabihin sayo na gusto kita"

Tahimik siya ng ilang segundo pero nagsalita rin naman.

"S-sa totoo lang,wala talaga kong boyfriend"

"Wag mo ng ikaila"

"Nagsasabi ako ng totoo,K-kookie" napasimangot ako sa tinawag niya sakin.

"Cookies ang itawag mo sakin para maniwala ako"

"Cookies,maniwala ka wala talaga kong boyfriend"

"Eh bakit narinig ko kanina na tinatawag kang girlfriend ni Tim?" tanong ko sa kaniya.

"Wala yun,parang endearment niya lang sakin pero hindi pa talaga kami"

"So,may pag-asa pala 'ko sayo?" pinipigilan kong mapangiti.

"Oo,siguro.Pero pwede bang bigyan mo muna ko ng time para makapag-isip? Hindi ko pa kase alam kung ano yung tunay kong nararamdaman para sayo"

"Okay lang,maghihintay ako" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko,tuluyan na kong napangiti.

Hanggang sa pagtulog ko ay para akong baliw na nakangiti.

Alam ko at nararamdaman kong may pag-asa ako sa kaniya kaya naman hihintayin ko ang araw na sasabihin niyang gusto niya rin ako.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon