Medyo masakit pa rin ang kaliwang paa ko pero kaya ko pa rin naman itong ilakad.
Pabalik na ko sa dorm dahil nakahanap na ko ng trabahong mapapasukan.
Sa isang Coffee shop ako natanggap at ang pasok ko ay alas kwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabi.
"Saan ka pumunta?" bungad sakin ni Cookies pagkapasok na pagkapasok ko ng dorm.
"Diyan lang" walang tinging tugon ko sa kaniya.
"Laging ganiyan yung sagot mo sakin" aniya.
"Eh ano naman ngayon?" mataray kong tanong sa kaniya.
"Yan.Yan ang gusto ko.Alam mo bang na-miss ko ang katarayan mo?" nakangising aniya.
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Wala naman.Napapansin ko lang kasi nitong mga nakaraang araw na parang ayaw mo akong kausap"
"Pano mo nasabi?"
"Para kasing hindi ka interesado sa mga sinasabi ko"
"Hindi naman talaga" pamimilosopo ko sa kaniya.
"Napakasungit mo talaga"
"Wala kang pake"
"May nagawa ba kong masama para maging ganiyan ang pakikitungo mo sakin?" Bigla siyang naging seryoso.
Nagalit kaya siya?
"W-wala" nauutal na sagot ko.
"Bakit ganiyan ka sakin? Gusto lang naman kitang kaibiganin since roommates tayo pero mukhang ayaw mo naman"
Ang drama naman nitong lalaking 'to.
"Nagkita na tayo noon 'no?" tanong ko sa kaniya.
"H-ha? Wag mong baguhin yung usapan"
"Alam kong ikaw yung lalaking tumulong sakin dun sa Grocery at bago ko pa makalimutan,ito nga pala yung bayad ko dun sa binili mo sakin.Salamat"
Tinignan niya lang ang kamay kong may hawak na pera kaya inilapag ko na lang ito sa kung saan at saka umalis.
"Nagkamali ako sayo.Akala ko ikaw na pero hindi pa pala" rinig kong sabi niya mula sa likuran ko.
Napako ako sa kinatatayuan ko.Anong ibig niyang sabihin sa ako na daw pero hindi pa pala?
Humarap ako sa kinaroroonan niya pero wala na pala siya dun.
Inunahan pa kong mag-walk out.
Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa kama ko.
*****
KINABUKASAN...
Ramdam kong naging malamig na ang pakikitungo sakin ni Cookies pero wala naman na akong pakiilam dun.
Hindi na nga siya nagdadaldal eh.
Maganda na rin yun dahil gusto ko ng katahimikan.
Mamaya pa ang simula ng pasok ko sa trabaho kaya bagot na bagot na ko dito sa kama ko.
Nakahiga lang ako at walang ibang ginagawa kundi makipagtitigan sa kisame.
Saan kaya nagpunta si Cookies?
Ano namang pakiilam ko sa kaniya.
Bakit ko ba siya iniisip.
Hay,nababaliw na ko.
*phone ringing*
Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng ingay na yun at natagpuan ang isang cellphone sa kama ni Cookies.
Ayoko na sana itong pakiilaman pero may tumatawag kaya sinagot ko na lang ito.Baka importante.
"Kuya,bumalik ka na raw dito sa Korea sabi ni Dad" sabi ng nasa kabilang linya.Kapatid niya siguro 'to.
"Ahm hello.Wala po dito yung hinahanap niyo" sabi ko na lang.
"Bakit na sayo yung phone ni Kuya? OMG! Kyaaaaaah" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
Grabe namang makasigaw itong kapatid niya.
"Kaya siguro ayaw ni Kuya na umuwi dito.I'm going to tell this to Dad.OMO!" parang kinikilig pa na sabi nito.
"Ano po bang sinasabi niyo? Hindi po ako girlfriend ng Kuya mo"
"No,no,no.Wag mo ng itanggi.Pay us a visit please.Sabihin mo kay Kuya isama ka niya ha.I want to see you in person"
"Hindi nga..." Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Okay,aasahan ko yan.Bye bye!" masigla pa niyang bati bago in-end ang call.
Napabuntong-hininga na lang ako at muling nahiga sa kama.
Kumalam ang sikmura ko kaya pumunta na ko sa Kusina para magluto.
Kumain na kaya siya?
Ito na naman ako,iniisip ko na naman siya.
Pero sige na nga ipagluluto ko na siya baka hindi pa pala siya nakakakain.
Naghahain na ko sa mesa ng biglang may pumasok sa pinto kaya napatingin ako dun.At nakita ko ang lalaking kanina pa gumugulo sa isip ko.
Saglit kaming nagkatitigan pero umiwas din siya.
Akmang aalis na siya pero may sarili yatang isip ang bibig ko para pigilan siya.
"S-sandali" Dahan-dahan siyang humarap sakin at nagtatanong ang mga tingin niya.
"K-kain tayo" yaya ko sa kaniya at naupo na ko.
Tumalima naman siya at naupo rin sa harap ko.
Katahimikan ang namayani habang kumakain kami.
Nakakailang na katahimikan.
Hindi ako sanay kasi lagi niya kong dinadaldal sa tuwing kumakain kami pero ngayon napakatahimik niya na.
"C-cookies" nauutal-utal pa rin ako dahil kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.
"Kookie" nauubusan ng pasensyang aniya.
Pinigilan ko ang sarili kong matawa,ayaw niya pa rin palang tinatawag ko siyang Cookies.
Tumikhim muna ko bago ako nagsalita.
"Tumawag kanina yung kapatid mo.Pasensya na,nakialam ako sa gamit mo"
"Hmm" sagot niya.
Grabe siya! Ayaw niya talaga kong kausapin.
Gumaganti ba siya sakin?
"Cookies..." muli kong tawag sa kaniya.
Bumuntong-hininga muna siya at saka siya nagsalita.
"Kookie" pagtatama niya sa tawag ko sa kaniya.
"Sorry" walang pag-aalinlangang sabi ko.
"For what?"
"Sa inasta ko sayo kahit na mula pa nung umpisa,pinakitaan mo na ko ng kabutihan tapos sinungitan pa kita.Sorry talaga"
Dahan-dahan siyang tumingin sakin.
"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?"
"Mukha ba kong nagbibiro?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"Kahit kailan talaga ang sungit mo" aniya kaya natawa na lang ako.
"So,ano? Pwede na ba tayo?" tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Pwedeng ano?"
"Pwede ng maging magkaibigan?" nahihiyang tanong ko.
Hindi kasi talaga ko friendly pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.
Here we go again,magtitiwala na naman sa ibang tao.
"Sure.Friends?" Saglit kong tinitigan ang kamay niyang nakalahad sakin bago ko ito nakangiting tinanggap.
"Friends!"
Sana nga lang hindi ko pagsisihan ang pakikipagkaibigan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
