Chapter 25

0 1 0
                                    

Lexie's POV
Kinabukasan nga ay pumunta si Tito Dan dito sa bahay.

Habang nasa kotse kami ay kumakabog na ang dibdib ko at nang makarating kami sa mansion nila Tito Dan ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagkababa ko sa sasakyan ay pinilit kong kumalma.

"Dad!" sinalubong agad si Tito Dan ng anak niyang babae.

Naalala ko na siya yung tumawag kay Cookies tapos ako yung nakasagot ng tawag na iyon.

"Where's your brother?" tanong ni Tito Dan sa anak niyang babae.

Malamang na si Jungkook ang tinutukoy niya.

"He's on the way,Dad"

Tumango-tango muna si Tito Dan sa anak niya bago muling nagsalita.

"Lin,this is my fiancee and this is your step sister" pakilala niya samin.

At humarap naman siya samin ni Nanay.

"My wife.This is Lina,my daughter"

"Nice to meet you.I'm Lexie,by the way" nakipagkamay ako sa kaniya.

"Nice to meet you too.Can I call you Ate?"

"Sure" Ngumiti ako sa kaniya.

"Ate,parang pamilyar yung boses mo sakin.Nagkita or nagkausap na ba tayo dati?" may accent talaga ang pagsasalita niya.

"K-kaibigan ko ang Kuya mo.Ako yung nakasagot ng tawag mo nung nakaraan" pagsasabi ko ng totoo.

"Oh sorry,napagkamalan kong girlfriend ka ng Kuya ko"

"It's okay"

Biglang bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napatingin doon.

"Kuya!" Lumapit agad si Lina sa Kuya niya at humalik sa pisngi nito.

"I missed you" sabi pa ni Lina.

"I missed you too,baby" sinabi ito ni Cookies habang nakatitig sakin kaya itinago ko agad ang pamumula ng mukha ko.

"Dad.Sorry,I'm late" hingi niya ng paumanhin.

"It's okay.Son,this is my fiancee and this is" naputol ang pagpapakilala sakin ni Tito Dan.

"Kilala ko na siya,Dad.Nice to meet you,Tita" nakipagkamay pa siya kay Mama.

"It's nice to see you again,Lexie" Inilahad niya pa ang kamay niya sakin kaya nakipagkamay na din ako sa kaniya.

"Nanlalamig ang mga kamay mo,okay ka lang ba?" Titig na titig siya sakin kaya nakakaramdam na ko ng pagkailang sa kaniya.

"O-okay lang ako" uutal-utal na sabi ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ilapat niya ang kamay niya sa noo ko.

"Hmm,mukhang magkakasakit ka.Dad,Tita,dadalhin ko po muna siya sa Clinic" Aangal pa sana ako kaso hinawakan niya na ako sa kamay at dinala sa Clinic.

May sarili pala silang Clinic dito sa mansion nila.Nakakamangha.

Pagkapasok palang namin sa Clinic ay tinulak niya ko sa sofa kaya napahiga ako dun.

"A-ano ba,baka makita" Bigla niya kong hinalikan.

Nakakalasing ang bawat halik niya kaya kalaunan ay tinugon ko rin ito.

"Damn! I miss you so much" Hindi ko napigilan ang mapaungol ng halik-halikan niya ang leeg ko.

Nagiging malikot na ang kamay niya hanggang sa mapunta ito sa pang-upo ko kaya mas lalo akong napaungol.

Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa naramdaman ko na lang na in-unhook na niya ang bra ko kaya muli akong kinabahan.

Mali itong ginagawa namin.Sa pagkabigla ko ay naitulak ko siya at agad na tumayo.

"Hindi 'to tama" wala sa sariling nasambit ko at saka nagmadaling umalis.

Jungkook's POV
F*ck! Nabastos ko siya.Hindi ko napigilan yung sarili ko kanina dahil sobra akong nananabik sa kaniya.

Pero mali yung ginawa ko.Maling-mali.

Kakausapin ko lang sana siya kaso hindi ko naman napigilan yung sarili kong halikan siya.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis na nararamdaman.

Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya.Ngunit pagkapasok ko ay si Lina na lang ang nandun.

"Lin,nasaan na sila?"

"Hinatid na ni Dad pauwi,masama daw pakiramdam ni Ate Lexie" aniya.

"Ganun ba"

"Kuya,tapatin mo nga ko.Hindi lang talaga kayo basta magkaibigan ni Ate Lexie 'no?" tanong niya.

Magkaibigan? Sinabi siguro ni Lexie na magkaibigan lang kami.Tsk.

"Bakit mo naman naitanong yan?"

"Pansin ko kase kanina na iba yung tingin mo sa kaniya,parang may meaning"

"Wala yun.Wag mo na lang pansinin" sabi ko na lang.

"Sus! Si Kuya,naglilihim sakin"

"Halika,kumain na lang tayo.Lulutuan ka ni Kuya ng favorite mo"

"Talaga Kuya?" Nagningning ang mga mata niya.Basta pagkain talaga,tuwang-tuwa na siya.

"Oo,baby.Promise!"

"Yieee,sige na Kuya magluto ka na.Excited na ko!"

"Excited kumain?" asar ko sa kaniya.

"Kuya naman,minsan ka na lang pumunta dito tapos mang-aasar ka pa" nakangusong sabi ng kapatid ko.

"Joke lang baby,'di ka mabiro.Sige na,magluluto na ko" sabi ko at pumunta na sa Kitchen.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon