Chapter 26

3 1 0
                                        

Lexie's POV
Sa pagbalik sa Manila ay sinama ko na si Inay.

Kinailangan naming bumalik dito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Sila Tito Dan naman ay may lupa't bahay dito kaya lumipat na rin sila dito.

Siguro ayaw niya talagang malayo kay Inay.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa eskwelahan.

Hindi ko inaasahang pupunta pa talaga dito si Jungkook sa bahay.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kaniya.

"Sabay na tayo pumasok tutal naman,dati na tayong nagsasabay diba"

"M-mauna ka na.May importante pa kong gagawin" natutulirong sabi ko.

"Lexie,papasukin mo naman ang Kuya mo.Tuloy ka hijo"nakangiting sabi ni Inay kay Jungkook.

"Magandang araw,Tita"

"Magandang araw din.Kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" tanong pa dito ni Inay.

"Kakatapos ko lang po kumain,Tita"

"Ganun ba.Oh siya,maiwan ko na muna kayo diyan at ako'y may aasikasuhin pa" sabi ni Inay at saka umalis.

Sandaling katahimikan ang namayani bago siya hindi nakatiis na magsalita.

"Hindi pa ba tayo aalis?"

"Mauna ka na kaya" ang sabi ko na lang.

"Gusto kitang kasabay kaya hihintayin kita.Ano pa bang gagawin mo?"

"Ihahanda ko lang yung gamit ko" sabi ko.

Matapos kong ihanda ang mga gamit ko ay umalis na kami.

"Lexie,pwede ba tayo mag-usap after class? May gusto lang akong sabihin sayo" aniya.

"Nag-uusap na tayo ngayon kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin" pambabara ko sa kaniya.

"Please,pumayag ka na.Hihintayin kita sa Coffeeshop niyo" Ang tinutukoy niya ay yung ipinagkatiwala na Coffeeshop ni Miss Sammy sakin.

"Pag-iisipan ko" ang sabi ko na lang at saka dumiretso na sa classroom ko.

Bumawi ako sa mga activities para sa mga araw na lumiban ako sa klase.

Natutuwa naman akong nakakabawi talaga ko dahil matataas ang scores ko.

Nang mag-uwian ay napagdesisyonan kong makipagkita na lang kay Jungkook.

Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso na ko sa Coffeeshop.

Nakita ko na agad siya hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"I'm glad,dumating ka" parang nakahinga siya ng maluwag ng makita ako.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita.

"Hindi mo na ba talaga ko mahal?" Napaiwas ako sa mga mata niya bago nakasagot sa tanong niya.

"Hindi na" nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal ng sabihin ko ito.

"Hindi ako naniniwala.Alam kong mahal mo pa rin ako"

"Paano mo naman nasabi?" Nilabanan ko na ang mga tingin niya.

"Dahil nararamdaman ko" simpleng sagot niya.

"Pwes,mali ang pakiramdam mo"

Napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita.

"Hindi ka na ba talaga babalik sa piling ko?" tanong niya.

Umiling ako."Hindi na.Dahil hindi na tayo pwede"

"Pwede pa maging tayo kung gugustuhin mo"

"Mali na maging tayo pa dahil magiging magkapatid na tayo" pinigilan ko ang sarili kong maluha at nagtagumpay naman ako.

"I don't care,kahit kapatid pa kita o ano pa man wala akong pakielam dahil ang importante  ay yung nararamdaman natin sa isa't isa"

"Hindi na nga pwede.Naiintindihan mo ba? Hindi na pwede,Cookies" bigla ko na lang nasambit ang tawag ko sa kaniya noong kami pa.

"Sagutin mo ko ng totoo,mahal mo pa rin ba 'ko?" tanong niyang muli.

"Oo na,tama ka.Mahal pa rin talaga kita" bigla siyang tumayo at niyakap ako.

Hindi ko na talaga napigilan ang bugso ng aking damdamin.

"Mahal na mahal din kita at mas minamahal pa" sinserong sabi niya.

"I'm so sorry,Cookies.Sorry sa mga nasabi ko sayo" Hindi ko na napigilang maiyak.

"Shh tahan na,it's okay" Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya at saka ako hinalikan sa noo.

Matapos ng pag-uusap na iyon ay palihim na kaming lumalabas para kumain at para na rin magkasama.

Kung minsan ay kasama pa namin si Lina ngunit hindi naman kami nito nahahalata.

"Anak,napapadalas na yata ang bonding niyo ng Kuya mo ah" nabanggit sakin ni Inay.

"Kaya nga po eh pero hindi na po muna kami makakapag-bonding this week dahil magiging busy ako sa thesis"

"Ay ganun ba anak,sige asikasuhin mo na muna ang thesis mo" sabi ni Inay.

Gaya nga ng sinabi ni Inay ay inasikaso ko na ang thesis ko para matapos ko na kaagad.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon