Lexie's POV
Ngayon ang araw na makikipagkita ako kay Tim.Ilang araw akong hindi nakipagkita sa kaniya dahil iyon ang napagdesisyunan ko.
Gusto ko kasing pag-isipang maigi kung sino ang gusto ko sa kanilang dalawa ni Cookies.
Ayaw ko mang mamili pero iyon ang dapat kong gawin para hindi na ko makasakit pa.
Pagkalapit pa lang sakin ni Tim ay niyakap niya agad ako.
"Namiss kita ng sobra.Buti pumayag ka ng makipagkita sakin" aniya matapos kumalas sa pagkakayakap sakin.
"May dapat kasi akong sabihin sayo"
"Ano bang sasabihin mo? Sasagutin mo na ba ko?" Nakita ko ang kislap sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng guilt.
"Sorry,Tim pero pwede bang itigil na natin 'to?" Mas lalo pa kong na-guilty ng makita ko siyang nasasaktan.
"Anong ititigil natin? Lex,wala pa tayong nasisimulan"
"Please,itigil na natin 'to.Lalo ka lang masasaktan pag ipinagpatuloy pa natin 'to"
"Sabihin mo,may iba ka bang nagugustuhan?" diretsong tanong niya.
"Meron.I'm sorry,Tim" pagsasabi ko ng totoo.
Tumango-tango siya at ngumiti ng mapait.
"Okay lang.Sige,aalis na ko" paalam niya at saka siya umalis.
Nalulungkot ako para sa kaniya pero tama lang naman ang ginawa ko,para hindi na siya masaktan.
Pagkauwi ko sa dorm ay napangiti ako.
Ngayon din ang araw na aamin ako kay Cookies.
Ngayon ko aaminin na gusto ko rin siya.
Pero nawala ang ngiti ko ng hindi ko siya nakita.
Nasaan kaya siya?
Tumingin ako sa wristwatch ko.
4:10 pm na pala.Late na ko ng ten minutes sa trabaho ko.
Dali-dali akong nag ayos at pumasok na sa trabaho.
Pagkapasok ko palang ay napansin ko agad ang dalawang nagyayakapan.
Napairap naman ako.Dito pa talaga sila naglalandian.
Teka,si Miss Sammy yun ah at yung kayakap niya s-si Cookies!
Kumirot ang puso ko at para akong nanghina sa aking nasaksihan kaya lumabas na lang ako.
Tumakbo ako ng tumakbo at dahil nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ay hindi ko napansing may lalaki pala akong makakabanggaan.
Jungkook's POV
Wala akong magawa dito sa bahay kaya naisipan kong puntahan ang Coffeeshop kung saan nagtatrabaho si Lexie.Sumilip-silip muna ko sa labas ng Coffeeshop bago ako pumasok.
Hindi ko nakita si Lexie kaya nagtanong ako sa babaeng nakatalikod.
"Miss?" pagtawag ko rito.
"Yes,sir? How may----" naputol niya ang sasabihin ng humarap siya sakin.
"Sammy?"
"Jungkook?!" parang nagulat pa siyang nasa harap niya ko ngayon.
"God knows how much I miss you" sabi niya habang nakayakap sakin pero hindi ko siya niyakap pabalik.
"Halika,mag-usap tayo" aniya bago umupo.
"How have you been? Nabalitaan kong umalis ka ng Korea.So,dito mo na ba naisipang manirahan?"
"Yes.Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kaniya.
"Ah dito na kase namin sa Philippines naisipang mag-stay ni Tim pero n-naghiwalay din kami" pansin kong nalungkot siya nang banggitin niya ang hiwalayan nila ni Tim.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko ulit sa kaniya.
"What do you mean by that?"
"Bakit hindi ka pa bumalik sa Korea?"
"Ikaw,bakit hindi ka pa bumalik?" Binalik niya lang sakin yung tanong.Tsk.
"Gusto ko lang dito.Ikaw?"
"May isang taong gusto kong balikan kaya ako nandito" Mahal na mahal talaga niya si Tim,may balak pa talaga siyang balikan yung lalaking yun.
"At ikaw yun,Jungkook" nabigla ako sa sinabi niya.
"What?"
"Gusto kitang balikan.Ituloy natin yung naudlot nating pagmamahalan" Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.
"Seriously? Pagkatapos mo kong ipagpalit sa ibang lalake,gusto mo pang bumalik ako sayo?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"Hindi na.Ayoko na" sabi ko pa.
"No.Alam kong may nararamdaman ka pa rin para sakin" pagmamatigas niya.
"Wala na.Sige,aalis na ko" Hinawakan niya ko sa braso kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"Please comeback to me,please?" pagmamakaawa niya.
Nangingilid na ang luha niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Wala na tayong dapat balikan pa dahil tapos na ang lahat sa atin" Napabitaw siya sa braso ko kaya sinamantala ko na yun para makaalis.
Pagkauwi ko palang sa dorm ay naririnig ko na ang tawanan na galing sa loob.
May kasama si Lexie? Pumasok na ko at nanlumo ako ng makita kong masayang nag-uusap sina Lexie at Tim.
Hindi man lang nila ko pinansin kaya pumasok na lang ako sa kwarto.
Akala ko ba iniiwasan na niya si Tim pero bakit magkasama na naman sila?
Hindi kaya....sila na?
Ang bilis naman yata.Ni hindi niya man lang sinabi sakin na sinagot niya na pala yun.
Umiling-iling ako at pilit na iwinaglit sa isipan ko ang bagay na yun.
Kailangan ko ng malinaw na kasagutan kaya bukas na bukas ay kakausapin ko si Lexie.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.