Lexie's POV
"Mahal" naririnig kong tinatawag ako ni Cookies kaya unti-unti ko ng idinilat ang mata ko.
"Good morning" nakangiting bati niya.
"Morning" bati ko rin sa kaniya.
"Pupunta ako sa Grocery store,sama ka?" tanong niya.
"Inaantok pa ko eh,pwede ikaw na lang?"
"Sure.Sige,matulog ka pa" sabi niya at saka tumayo mula sa higaan.
"Ingat ka,Cookies"
"Opo,mahal.Pero bago ako umalis penge muna ng kiss" Bigla niya kong hinalikan sa pisngi .
"Magnanakaw ng halik" Ngumisi lang siya sakin.
Basta halik talaga tuwang-tuwa na ang mokong eh.
"Bye bye,mahal" Nag-flying kiss pa siya bago tuluyang umalis.
Magpapatuloy pa sana ako sa pagtulog pero tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko na kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
"Anak,ang Nanay mo ito"
Napansin kong parang galing sa pag-iyak ang boses niya.
"Nay,ikaw pala.Bakit po ganiyan ang boses niyo? Kumusta diyan?" magkasunod na tanong ko.
"Anak,ang Lolo mo"
"Ano pong nangyari kay Lolo?" May kutob na ko sa kung ano ang sasabihin ni Inay pero sana mali ang iniisip ko.
"Ang Lolo mo...wala na" Napabangon ako sa sinabi sakin ni Nanay.
"W-wala na? 'Nay,hindi po totoo yan.Malakas pa si Lolo,
imposibleng m-mawala agad siya" Napiyok pa ko sa huli kong sinabi."Anak,mas maigi siguro kung pumunta ka na lang dito sa probinsiya"
"Sige po,pupunta agad ako"
Matapos kong magpaalam ay ibinaba ko na ang cellphone ko.
Hindi na ko nag-impake ng damit dahil marami pa naman akong naiwang damit sa probinsiya namin.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay kinuha ko ang wallet at phone ko.
Jungkook's POV
Pagkauwi ko sa Dorm ay nadatnan kong wala na doon si Lexie.Nasaan na kaya siya?
Sinubukan kong tawagan siya pero nakapatay ang phone niya.
Shit! Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Baka naman nasa Coffeeshop.
Tama! Baka nga nandun siya.
Pumunta ako sa Coffeeshop pero sarado iyon.
Saan naman kaya siya pwedeng magpunta kung wala siya dito?
Napagdesisyunan kong umuwi na lang sa Dorm at doon na lang siya hintayin.
Tsk.Nalimutan na naman niyang magpaalam sakin.
Pero hanggang sa mag-gabi ay hindi pa rin siya umuuwi kaya mas lalo akong nag-alala sa kaniya.
Hindi ko tinigilan na i-contact ang number niya kahit hindi niya pa rin ito sinasagot.
Alas otso na ng gabi pero wala pa rin siya.
Halos mapatalon pa ko ng sa wakas ay sagutin na niya ang tawag ko.
"Thank god! Sinagot mo na ang tawag ko" naibulalas ko pa.
"C-cookies" Parang pinipigilan niyang humikbi sa kabilang linya kaya muling nabuhay sa loob ko ang kaba.
"Mahal,nasaan ka? Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ko.
"Umuwi ako dito sa probinsiya namin.Pasensiya na,hindi na ko nakapagpaalam sayo"
"Ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka?" nag-aalala pa rin'g tanong ko
Alam kong umiiyak siya dahil halata sa boses niya.
"S-si Lolo...Ang Lolo ko,wala na.P-patay na siya" Narinig ko ang mga hikbi niya mula sa kabilang linya.
"Mahal,gusto kitang yakapin pero pano ko gagawin yun kung malayo ka sakin ngayon? Punta kaya 'ko diyan?"
"Hindi na.May klase bukas kaya pumasok ka" tanggi niya.
"Sige.Mahal,namimiss na kita"
"Saglit lang ako dito,uuwi ako agad 'pag n-nailibing na si L-lolo"
"Condolence,mahal.Wag mong pababayaan ang sarili mo diyan ha,kumain ka sa tamang oras" paalala ko pa sa kaniya.
"Hmm,sige.Bukas na lang ulit,kailangan kong tulungan sila Nanay dito eh" aniya.
"Sige,mahal.I love---" Pinutol na niya ang linya kaya napanguso na lang ako.
Ngayon niya lang ako binabaan ng telepono pero hindi ito ang oras para magtampo ako sa kaniya.
Kailangan ko siyang intindihin.
Humiga ako sa kama pero hindi ako makatulog.
Sanay akong katabi at kayakap siya sa tuwing matutulog ako kaya nahihirapan ako ngayon.
Niyakap ko na lang ang unan niya at pinilit ang sarili kong matulog dahil maaga pa ang gising ko bukas.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
ФанфикIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.