THE FINAL CHAPTER

2 1 0
                                    

A/N:Una sa lahat,maraming salamat sa mga nagbasa at sumuporta sa istoryang ito.Sana patuloy niyo lang na suportahan ang mga upcoming stories ko.Salamat sa pag suporta sa tambalang Cookies at Lexie.I purple you all💜

Lexie's POV
Pagkamulat pa lamang ng mga mata ko ay si Cookies na agad ang hinanap ko.

Magkatabi kaming natulog kagabi kaya nagtaka akong wala siya ngayon sa tabi ko.

Bumangon ako at saka siya hinanap.

Walang katao-tao dito sa bahay dahil nag-out of town sila Nanay at Tito Dan,sinama nila si Lina kaya kaming dalawa lang ang narito ngayon ni Cookies.

Wala siya sa lahat ng parte at sulok ng bahay.Nasaan kaya siya?

Nagkibit-balikat ako.Baka may binili lang siya sa labas.

Napatingin ako sa kalendaryo.

12-03-2020

Nanlaki ang mga mata ko dahil naalala kong ngayon ang anniversary namin ni Cookies.

Bakit ngayon ko lang naalala? Hayss.

Kailangan kong bumili ng regalo,paniguradong magtatampo ang Cookies ko kapag wala man lang akong iniregalo sa kaniya.

Dali-dali akong naligo at matapos magbihis ay pumunta na agad ako sa mall.

Hindi na ako kumain.Baka mamaya kase ay nakauwi na pala si Cookies,hahanapin ako nun.

Hindi ko alam kung anong gusto ni Cookies dahil ako lang naman daw ang gusto at mahal niya,wala ng iba.

Ang corny niya 'no.Pero kahit ganun,kinilig pa rin ako sa sinabi niya.

Naisipan kong regaluhan na lang siya ng relo.

Matapos kong bilihin ang relo para ipanregalo sa taong mahal ko ay lumakad na ko palabas ng Mall.

Sa paglalakad ko ay may dalawang naglalakad na nasa harapan ko.

Ang babagal nila maglakad kaya pati tuloy ako ay bumagal din.

Baka hinahanap na ko ni Cookies.Hay,ang bagal talaga nila.

Teka,parang pamilyar yung likuran nang lalaking kasama nitong babae na naglalakad sa harapan ko.

H-hindi kaya...

Natigilan ako sa paglalakad at bumigat ang pakiramdam ko nang makumpirma kong siya nga iyon.

Si Cookies.

May kasama siyang ibang babae.Akala ko ako lang ang mahal niya pero bakit siya humanap ng iba?

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak.

Hindi ko pa naman nakukumpirma na may relasyon sila nang babaeng kasama niya pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Sinundan ko lang sila ng sinundan ngunit sumingit sila sa maraming tao kaya nawala sila sa paningin ko.

Bumaling ako sa kung saan-saan pero hindi ko na sila nakita.

Napayuko ako at hindi ko na talaga napigilan,isa-isang pumatak ang mga luha ko.

Ang sakit.Bakit niya 'to ginawa sakin? Bakit sa mismong araw pa ng anibersaryo namin?

May biglang humila sakin.Mga lalaking nakamaskara.

"Bitiwan niyo k----" Hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil may tumakip sa bibig ko.

Hindi na ko nakahingi ng tulong nang sapilitan nila akong ipinasok sa Van.

Sa back seat nila ako pinaupo at tinanggal na nila ang takip sa bibig ko kaya sumigaw-sigaw ako para humingi ng tulong.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon