Tumutunog na ang alarm clock pero parang ayaw ko pang bumangon.
Mabibigat pa rin ang talukap ng mata ko.
Gusto ko pang matulog kaso sa huli ay bumangon pa rin ako.
Ayokong ma-late sa klase.
Pagkapunta ko sa Kusina ay naabutan kong kumakain si Cookies pero ng makita niya ko ay bigla siyang umalis.
Napasimangot naman ako sa inasta niya.
Umupo na ko at magsisimula na sanang kumain ngunit may biglang kumatok kaya pinagbuksan ko na muna ito.
"Good morning" bungad sakin ni Tim.
"Good morning.Tuloy ka" anyaya ko sa kaniya.
"Bakit ka nga pala naparito?" tanong ko sa kaniya.
"Wala naman,gusto ko lang na sabay tayong pumasok kung okay lang sayo?" tanong niya.
"Okay lang naman.Eh ikaw? Okay lang ba na maghintay ka? Kagigising ko lang kasi"
"Oo naman,okay lang sakin." aniya.
"Kumain ka na ba? Tara,kain tayo"
"Busog pa ko" sabi niya kaya nginitian ko na lang siya at nagsimula ng kumain.
Matapos kong kumain ay naligo na ko.
Pumunta na ko sa Living room kung saan naghihintay si Tim.
"Sorry pinaghintay pa kita" sabi ko agad sa kaniya.
"It's okay.So ano,tara na?" inilahad niya pa sakin ang kamay niya na agad ko namang tinanggap.
Ngunit bago pa kami makaalis ay biglang sumulpot si Cookies.
Nagtaka ako dahil pambahay pa rin ang suot niya.
"Cookies,hindi ka papasok?" tanong ko sa kaniya.
"Mauna na kayo,mamaya pa ko" ngumiti siya ng pilit at saka siya nagtungo sa banyo.
Lumabas na kami ni Tim at nagsimula ng maglakad patungong school.
"Ako na magdadala niyan" kinuha niya sakin ang bitbit kong mga libro.
"H-ha? Sige" sagot ko na lang.
Nag-aalala ako kay Cookies,para kasing may kakaiba sa kaniya kanina.
"Lexie?" nabigla pa ko kay Tim.
"Ano?"
"Kanina pa kita tinatawag,ano bang nasa isip mo?"
"Wala naman" pilit ko pa siyang nginitian at mukha namang nakumbinse siya sa sinabi ko.
"Ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko pa.
"Kung sakali mang yayayain kitang mag-date,papayag ka ba?"
Saglit akong natigilan sa sinabi niya bago ako nakasagot sa katanungan niya.
"Depende,pwede naman 'pag wala akong pasok sa work" sabi ko na lang.
Tatanggi pa ba ko eh minsan lang may magyayang makipag-date sakin.
"Sa Saturday na lang ulit"
"Okay" tanging sagot ko.
Nagtataka ako sa sarili ko.Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng excitement at kilig?
Niyayaya ako ni Tim ng date.And yes,I admit na may gusto ako sa kaniya pero bakit wala akong maramdamang kilig?
Nakarating na kami sa school.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.