Chapter 2

5 1 0
                                    

Kasalukuyan kong hinahanap yung dorm na malapit sa school na papasukan ko hanggang sa nahanap ko na.

Kinausap ko agad yung landlady.

Kaya ko namang bayaran ang renta dito sa dorm kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa.

Tinuro niya sakin kung saan ang kwarto ko at bago siya umalis ay binigay niya sakin ang susi.

Hay,nakakapagod maglakad ng maglakad kaya pagpasok ko palang sa kwarto ay nahiga na ko.

Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko.

Teka,bakit parang ang tigas naman nitong hinihigaan ko.

Papag lang siguro kaya matigas pero okay na rin,sanay naman na kong humiga sa mga ganitong higaan.

Muli kong idinilat ang mga mata ko.

Hindi ako makatulog kahit gusto ko ng magpahinga.

Para kasing may kakaiba dito sa hinihigaan ko.

Kinapa-kapa ko ito at nanlaki ang mga mata ko dahil hugis ng tao ang nakakapa ko!

Napabangon ako agad at inalis ang kumot na nagtataklob sa kung sinumang tao ang nakahiga sa higaan ko.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" sigaw ko dahil nakita kong walang suot pang-itaas ang lalaking nakahiga sa higaan ko.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" tanong ko.

Tumayo siya kaya napapikit ako bigla.

"Mukhang nagkamali ka ng pinasukan miss,kwarto ko 'to" aniya kaya napadilat na ko.

Shemay! tanghali na pero may mga pandesal pa rin akong nakikita.

Ilan kaya? Bilangin ko nga.

Bago pa ko matapos sa pagbibilang ay nagising ako sa reyalidad ng may tumawag sakin.

"Miss,are you okay? Miss?" kinaway niya pa ang kamay niya sa harap ko.

Nakakahiya! Nakita niya yata akong natulala sa abs niya.

"Okay lang ako pero hindi okay na nandito ka sa kwarto ko" singhal ko sa kaniya.

"Ano bang sinasabi mo miss,ito talaga ang kwarto ko baka namali ka lang ng napasukan"

"Ako pa ang namali ha.Ito may susi ako" pinakita ko pa sa kaniya ang susing hawak-hawak ko.

"Meron din ako" pinakita niya rin sakin ang susi.

"Hindi naman pwedeng tayong dalawa ang nandito sa dorm.Mabuti pa,kausapin natin yung landlady" suhestiyon ko at nagpatiunang maglakad papunta sa kinaroroonan ng landlady.

Tinanong ko agad sa kaniya kung bakit may lalake sa kwarto na dapat ay sa akin.

"Pasensya na hija,nakalimutan kong sabihin sayo.Iisang kwarto na lang ang available dito.Yung kwartong yun,pwedeng dalawa ang umokupa dahil medyo malawak naman ang espasyo doon" malumanay na sabi niya.

"Okay lang naman po sakin kung may kasama ako pero hindi naman po pwedeng may lalaki akong kasama sa kwartong yun lalo na't hindi ko naman kilala"

"Edi magpapakilala ako" biglang sumingit yung lalaking topless kanina sa kwarto ko na ngayon ay nakadamit na.

"Hindi ako interesado" mataray kong sabi sa kaniya at muli akong humarap sa kausap ko kanina.

"Wag kang mag-alala,mabait at may respeto 'yang inaanak ko" sabi ng landlady.

"Tama ka diyan,ninang" segunda naman nung lalaki.

"Pero kung hindi talaga okay sayo na may lalaking kasama,ibabalik ko na lang yung binayad mo" malumanay pa rin niyang sabi.

Napaisip ako.Sayang naman kung aalis ako dito dahil ito lang talaga ang pinakamalapit sa school na papasukan ko.

Napatingin ako sa lalaking nakangiti ng malapad sakin.

Hmm,mukha naman siyang mabait.

"Hindi na po ako aalis" sabi ko sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganun.Pero tulad nga ng sinabi ko sayo kanina,ayoko ng maingay lalo na sa gabi" parang may ibang meaning yung sinasabi ng landlady pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin.

Bumalik na kami---wala palang kami.I mean,bumalik na ko at yung lalaki kanina sa dorm.

"Hey" napatingin ako sa kaniya.

"Ano?"

"Magtatanong lang eh galit ka naman agad"

"Hindi ako galit"

"Okay,edi hindi.Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.

"Bakit kailangan mo pang malaman?" masungit kong tanong sa kaniya.

"Mas maganda siguro kung makikilala natin ang isa't isa since roommates na tayo.By the way,I'm Jeon Jungkook.Kookie for short" pakilala niya.

"Lexie Blaine Ylvez.Lexie na lang" pakilala ko na rin dahil mas magandang magkakilala na kami ngayon palang.

*****

"Cookies" tawag ko sa kaniya.

"It's not cookies.It's Kookie" aniya.

"Hay ewan.Iisa lang ba talaga ang higaan na meron dito? Magtatabi ba tayo?" magkasunod na tanong ko sa kaniya.

"Nope,there's another one there" turo niya pa sa isang kama

"Teka,gusto mo bang tabihan kita?" Abot-tenga ang ngisi niya.

"Kapal mo,wala kong sinasabing ganiyan.Dun ka sa kabila"

Lumipat naman siya sa kabilang kama na hindi kalayuan sa kinahihigaan ko.

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto.Siguro tulog na siya.

"Lex" Hindi pa pala.

"Hmm?"

"Natatakot ka ba?"

"Hindi.Bakit naman ako matatakot?"

"Wala lang,tinatanong ko lang.Kase... alam mo na"

"Anong alam ko na?" kunot-noong tanong ko sa kaniya

"Kung natatakot ka,pwede naman kitang tabihan.Just say it,then, I'll be by your side"

"No,thanks" Natawa na lang siya.

"Don't be shy,just say it"

"Tse!" tinalikuran ko na siya.

Muling binalot ng katahimikan ang kwarto kaya unti-unti ko ng ipinikit ang aking mga mata.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon