Lexie's POV
Tulala lang ako habang nakadungaw sa bintana ng bus na sinasakyan namin ni Inay habang inaalala ang mga nangyari kanina lang.FLASHBACK...
Matapos naming malaman ni Cookies ang lahat ay hindi pa rin kami makapaniwala.
"Hindi na ba talaga maaayos si Tito Dan at Inay?" naiusal ko.
Napabuntong-hininga si Cookies.
"I tried to talk to Dad pero parang wala siya sa sarili these past few days"
Sandaling katahimikan ang namayani,ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Cookies?" tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Can you promise me one thing?" Tumitig ako sa napakagwapo niyang mukha.
Napangiti ako ngunit nawala din iyon dahil naalala kong ito na ang huling araw na makikita ko siya.
"What is it?"
"Cookies,kahit na mawalan tayo ng communication sa isa't isa,sana ako pa rin.Ipangako mo na tayo pa rin pagbalik ko" Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"I promise,ikaw lang ang babaeng mamahalin ko" Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa dahil lumuhod siya sa harap ko.
At tuluyan na 'kong napaluha ng ilabas niya ang velvet box na may kumikinang na singsing.
"Hindi man ikaw ang unang minahal ko,pinapangako ko na ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko.Mahal,can you be my last and forever?"
Nangungusap ang kaniyang mga mata habang nakatitig sakin.
"Yes.Yes" tumatangong sabi ko.
Speechless ako dahil hindi ko alam na may ganito palang mangyayari ngayong araw.
Kaya 'yes' lang ang tanging nasambit ko.
Tumayo siya at saka niya isinuot ang singsing.
Hinalikan niya ang kamay ko at ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
"I love you so much,Lexie"
"I love you too,Cookies.I may not be your first,but to be your last would be perfect"
Napabitaw kami sa isa't isa ng may kumatok sa pinto.
"Anak,maghanda ka na't aalis na tayo"
"Opo,Inay" Humarap ako kay Cookies,muli niya kong niyakap ngunit mas mahigpit ito ngayon kumpara kanina.
"Ayokong umalis ka pero kailangan mong sumama kay Tita.Mamimiss kita ng sobra,mahal""Mamimiss din kita,Cookies"
END OF FLASHBACK...
Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay ang napakagandang singsing.
Iingatan ko 'to.Ito ang tanda ng pagmamahalan namin ni Cookies.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
Fiksi PenggemarIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.